Chapter 1: The Stalker

Start from the beginning
                                    

Pinagmamasdan niya ang paligid habang pinakikinggan ang kausap. Nadaanan niya ang mga nasa makeup section ng Ze Beau. Sinusundan siya ng tingin ng mga transgender na makeup artist doon at kinikindatan pa siya habang matipid na kinakawayan.

Ngumiti na lang din siya pabalik at kumaway rin bago ideretso ang tingin.

"Yung lead editorial specialist ko, freelancer lang, and madalas siyang wala sa office. Wala akong makuhang ka-level niya or beyond her skills na kaya ng pasahod namin—"

"Let me guess," putol niya agad sa kausap at itinaas pa ang kanang hintuturo, "editorial job?"

He heard Karen sigh. "Sana."

"Okay, Karen, I have a personal project right now. Gusto ko sanang isingit sa schedule pero—" Natigilan siya sa paglalakad nang makita na naman ang maliit na babaeng nang-agaw sa kanya noon ng libro ni Gregory Troye. May hawak itong chocolate sundae na nasa cone na balot ng tissue at kalalabas lang ng Booksale. Pinalabas siguro dahil bawal ang pagkain doon, pero parang sumilip lang yata, sa tingin niya.

"If hindi avail, GT, okay lang, ha? Nagbabakasakali lang naman. I know you're so busy."

"It's fine, Karen. Siguro, I'll pay a visit na lang sa office n'yo tomorrow. Usap tayo about your company's problem. Baka matulungan kita."

"Oh, thank you so much, GT. I owe you one."

"You're welcome. Anyway, I gotta go. Bye!" At nagpatay na agad siya ng phone at saka sinundan ang babaeng halos ipahiya niya noon, mabili lang nito ang huling kopya ng Young Blood's Debt, ang third published novel niya.

Hindi naman sa may galit siya, but he really thought that she was a minor buying a Rated 18 book. At ayaw niyang nakakakita ng minor na bumibili ng libro niya kaya pinilit niyang agawin ang huling kopya ng libro. Sinabi niyang siya ang bibili niyon dahil minor pa ang kaalitan. He was surprised na pagkatapos niyang dalhin sa customer service ang babaeng akala niya ay minor, malalaman niyang 25 years old na pala ito at mukha lang Grade 9 student. Malay nga ba niya?

Sinundan niya iyon hanggang sa tapat ng Padi's Point bago sumakay ng jeep pa-Philcoa.


♥♥♥


Sampung taon—hindi singhaba ng taon gaya ng sa ibang writer na kasabayan niya sa mga shelf ng MC Room, pero sampung taon na siyang sikat bilang contemporary, romantic-suspense, romantic-drama, at gothic-romance, at erotic writer. At karamihan naman talaga ng readers niya ay puro adults dahil iyon ang target market niya.

"Shit!"

Except for some cases na may naaabutan siyang minor na bumibili ng libro niya sa bookstore.

"Oh my gosh! Hala, nag-iisa na lang!"

He stood there, staring at this girl na naka-T shirt na black, naka-denim shorts, at naka-sandals. Kasabayan niya iyong naghahanap ng libro. Hinahanap niya ang libro ni Althea Doe at malay ba naman niyang bigla itong titili sa tabi niya habang hawak ang isang libro—librong pinanlakihan niya ng mata dahil libro niya iyon.

"Wala na? Nasaan na ang iba?" He grunted at her voice. Boses batang inaagawan ng candy. Pinanood pa niya itong magkalkal ng bookshelf. "Kuya, excuse nga, huwag kang harang."

Napaatras na lang siya at lalong pinanlakihan ng mata ang batang babaeng nag-iisa-isa ng libro sa bookshelf na hinintuan niya.

"Shit, wala na! Hnngg!" Nagpapadyak ito sa kinatatayuan at nagdadabog pa dahil hindi nito nakita ang hinahanap. Ilang saglit pa ay tinitigan na naman nito ang libro na parang nakakuha ng kayamanan. "Sa wakas, mabibili na rin kita."

Gregory TroyeWhere stories live. Discover now