Chapter 21. The Chip

417 13 1
                                    

Kit at the side ---> 

Third Person POV

Okay na ang lahat. Si Aisha at Scarlette.

Pero lahat nga ba?

Sino si Kit Mendez? Anak ba siya ni Scarlette? Paano? Eh magkaedad lang sila ni Aisha.

Masaya ang Cinderella natin ngayon. Nakita na niya ulit ang kanyang Mama.

Pero gumugulo pa rin sa isipan niya si Kit. Si Kit na sobrang gwapo at mahaba ang baba.

Sa kabilang panig..

SA MANSYON NG MGA FERNANDEZ.
Tahimik. Walang ingay ang kahit na namumuo. Wala naman silang maids. Tutal wala na rin naman si Trace doon kaya walang mga kasambahay.

AT!

Kaya pala tahimik ay dahil wala sila dito.
Lipat tayo ng pwesto.

FERNANDEZ HIDE OUT.

"Go on! 1, 2, 3 SHOOT!" sa gilid natamaan ang isang target. It means, palpak ang shooting skills ni Kalissa.

"Ugh! I'm done!" sabi nya at napaupo na lang sa isang tabi.

"I can't do this Mom." naiiyak niyang sabi. Nilapitan siya ni Amanda.

"You want a revenge but you don't want to move? Cmon princess, you can do it." sa totoo lang malakas naman si Amanda eh.

Ayaw niya lang matalo ito laban kay Aisha dahil malakas ang mga reflexes nito.

Sino bang hindi lalakas kung isa kang Royal blood diba?

Habang ine - ensayo ni Amanda ang kanyang anak ay kinausap na niya ang board. Ng Fernandez. Masyado atang magkaribal ang Mendez at Fernandez kaya ganun.

Kita mo naman kung gaano kagalit si Amanda kay Scarlette, hig school pa lamang inggit na inggit na siya dito.

Pinakamaganda. Pinakasikat. Pinakamagaling na babaeng gangster.

Napakuyom na lang ng kamay si Amanda ng naaalala niya ang mga pangyayari sa nakaraan.

Napangisi siya sa iniisip niya ngayon. Alam niya kasing panalo siya pagdating kay Max. Na naagaw niya ito kay Scarlette.

Naagaw nga ba?

---

Si Scarlette ay napapangisi na lamang sa mga naiisip niya.

Nakuha niya ang anak niya kay Amanda kaya ngayon kukunin na niya ang buong Montero Corp. Sa kanya naman talaga yun eh. Dahil siya ang tunay na asawa.

Masyado siyang magaling magtago ngayon. Sambit niya sa isip nya. Iniisip niya kung bakit bigla na lamang siya pinakawalan ni Amanda ng ganun ganun na lang. Tunay na tinatago ni Amanda ang tunay niyang nararamdaman at ekspresyon.

Matinik si Amanda ngayon. Na..

Gustong gusto ni Scarlette. Isang babaeng mahilig sa thrill? Syempre natatawa na lang sya na sa dulo sya pa rin ang panalo. 

Masaya siya ngayon dahil kasama niya ang anak niya. At si Kit na..

AISHA POV

"Watch out!" napaupo ako ng muntikang tumama sa akin ang isang platito.

Nandito ako sa basement kung saan si Andrea at Cj. Yung apat na lalaki. Sila Kit, Lex, Sett at Chaz.

Sinamaan ko ng tingin yung dalawa. Hanggang ngayon nagtatampo pa rin ako kasi di nila sinabi na Gangster kuno daw sila.

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon