Chapter 36. Philippines, Aisha

217 6 0
                                    

AUTHOR'S POV

Lumapag na ang private plane ng Mendez at bumaba ang isang babaeng may mahabang buhok, nakakatakot na mata at mapupulang labi kasama ang itim na suot nito. Kailan ba siya hindi nagsuot ng itim? Hila-hila niya ang maleta niya habang nakasunod ang grupo ng mga.. 

"Woy Chaz! Ibalik mo yan!" - Lex 

"Tenga, ayusin mo nga yang sarili mo!" - Andrea 

"Hello Philippines!" - Sett & Cj Dinadama pa ng dalawa ang mainit na hangin ng Pinas. 

"Ako na naman ang may kasalanan ng lahat! O puso kong nasasaktan, kailan ka ba gagaling?" - Chaz 

Lahat ---> -___- 

"Tumigil nga kayo diyan." - Kit 

Hawak-hawak niya ang kamay ni Abi samantalang sa kabila naman ay si Ashley. Tahimik lang naglalakad si Aisha at dinaramdam ang mainit na paligid. Bumalik na siya. 

Sa loob ng tatlong taon, pinipilit niya ang sarili niyang bumalik pero parang di niya kaya. Parang ayaw na niyang maranasan ang sakit. Ayaw niyang makita ang puntod ng Mama niya na iniwan siya. 

Napangiti siya ng mapait. Habang ang kasama niya sa tabi ay nakatitig sa kanya. Iniisip kung ano na naman ang iniisip ng babaeng mahal niya. "Ako na ang maghawak dito." banggit ni Trace at kinuha ang maleta sa kamay niya. 

Napatingin naman sa kanya ang babae. 

Maraming nagbago sa mukha nito. Naging mas mature. Naging mas nakakatakot. Bukod sa lagi na itong naka eye-liner, mas mapula ang labi nito dahil sa in-apply niyang lipstick. "Thanks." 

Napangiti naman si Abi na nakasunod sa dalawa. Iniisip niya, bakit di pa magpakasal ang dalawang 'to? Kung magturingan sila at magtinginan sa isa't-isa kakaiba. Nararamdaman mo ang mga langgam sa paligid. Pero parang wala lang naman para sa kanila. Tsk! 

"Kung bakit kasi hindi niya sabihin ang totoo niyang nararamdaman." bulong ni Kit na narinig naman ni Abi. Ang lakas pa naman ng pandinig ng babaeng 'to. 

"Hayaan mo na, magiging kasalanan na rin naman niya kung iniwanan siya ni Aisha sa bandang huli." 

"Hindi naman magagawa ni Aisha yun. May contract silang dalawa, at kasama na rin yun sa last will ni Mama na magpapakasal silang dalawa. Siguro gusto lang tapusin ni Aisha ang lahat o kaya bumebwelo siya." napatingin ulit silang dalawa kila Aisha at Trace na seryosong nag-uusap habang naglalakad papuntang Van. 

"Paano na si Drew kung may Trace si Aisha?" napangiti ng mapait si Kit. Walang may alam na si Drew ang traydor sa buhay ni Aisha. Kundi si Aisha, at siya lang. Kahit si Trace walang alam sa nangyayari. Ayaw sabihin ni Aisha. Ayaw niyang magulo ang plano niya. Ayaw niyang may makialam sa kanya. 

"Hayaan mo na lang si Aisha sa lahat." hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ni Abi kaya napatingin si Abi sa kanya. "Let's see kung anong mangyayari sa ngayon. Pabayaan muna natin ang Queen." napatango na lang si Abi at ngumiti kay Kit. 

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon