Chapter 37. Izanami and Trace

203 4 0
                                    

AISHA POV 

Tic-toc. Boom. Any time, mawawala ka na. 

"Hahaha. Poor thing. Tsk. Tsk." tinago ko ang device na hawak ko at tumingin na lang sa daan. Isa pa yang tarantadong Izanami na yan. Kung sino man siya, kailangan na niyang mawala. Masyado siyang pasakit sa buhay ko.  

At dahil sabi ni Trace na pumunta ng Main House ay nakarating na kami. 

Nauna akong lumabas at agad-agad na pumasok ng loob ng bahay. 

"Hi Aisha Beybe!" sigaw at kaway sa akin ni Cj kumaway din ako at nginitian siya. Nung kararating namin dito na kami tumuloy. Isa ito sa property ng Mendez. Dito na tumira ang buong gang. Samantala naman ang mga higher positions ay nasa ibang bansa inaasikaso ang ibang matters dito. Ang pinupuntirya ko lang talaga ay ang manipulator ng Fernandez. 

Umakyat ako at kinatok ang isa sa pinto roon. Bumukas iyon at tumambad ang isang lalaking naka-bathrobe. 

-___- Nakita kong napakamot siya ng ulo. "Kit Mendez. Akala ko ba inaasikaso mo ang pagdating ni Izanami?" 

"E-eh si Abi kasi eh." napataas naman ako ng kilay pero napaiwas ako ng makita si Ate Abi na nakabalot ng kumot at gulo ang buhok. 

The fvck. Ang lalandi naman ng mga ito. Buntis na't lahat-lahat ginagawa pa rin yan. Jusko. Ilan kaya magiging anak nito in future sa kalandian nila pareho. 

"Tss. Fine, ako na bahala doon. By the way, nasaan si Ashley?" naramdaman kong may umakbay sa akin. 

"Nandun sila kila Chaz kaya tara na Shyltara." sinamaan ko ng tingin si Kit pero sinaraan niya lang ako ng pinto. 

"Hahahaha." nakita kong halos mamatay na sa kakatawa si Trace. "Bakit ka tumatawa diyan? Napagkakamalan kang baliw sa estado mo." pinunas niya ang maliit na luha dahil sa kakatawa niya. 

-____-" 

"Wala lang. Hahahah. Si Kit kasi--pfft. Hahaha" hinampas ko siya sa ulo kaya napaaray siya. "Tss, ito naman tumawa lang eh. Nakakatawa kasi ang under niya kay Noona. Hahaha." hinila ko ang kwelyo niya kaya napatigil siya sa kakatawa.

"Itigil mo yang tawa mo. Naiirita ako." Kasi ang gwapo mo. Tangina ka Trace. 

"Okay. Hahaha." sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang siya. Ang baliw niya. 

"Aisha! Aisha!" nakita kong natatarantang lumapit sa amin si Andrea. 

"Bakit?" tinuro niya yung baba. Anong problema nito? Hindi ko siya maintindihan kasi medyo namumutla siya. 

Kaya sinundan ko na lang ang tinuturo niya. Naabot ko ang living room at lahat sila tutok na tutok sa TV. 

Another Cinderella Story {COMPLETED}Where stories live. Discover now