TLFL 50: Hospital 2

Start from the beginning
                                    

"Teka nga muna guys, nasaan sina MiCo, John at CyMer?"

"Hindi namin alam dude kung nasaan si CyMer." Sabi ni Mark.

"Pero si John ay lumabas kanina bago pumasok si Princess, tapos nagtext naman si MiCo na matatagalan pa daw sila ni Angella." Sabi naman ni Luke habang kumakain. Matakaw talaga kahit kailan. Kumusta na kaya si CyMer? Dahil kaya sa amin ni Slowie, lalo na sa ginawa ko kaya hindi siya nagpapakita? At si MiCo kumusta na kaya sila ni Angella?

"Ahhh ganun ba? So what do you say guys, outing tayo?" Sabi ko nalang.

"Waahhh... Talaga dude? Outing? Tamang tama, matagal na tayong hindi nagkakabonding na buong barkada." Masiglang sabi ni Mark.

"Sa Island nalang namin tayo mag-outing." And that is Mathew. Nakakalito minsan tong si Mathew. Napakakuripot kasi nito para magsalita. Pero ngayon, biglang nagsalita.

"Sure dude basta ba't di yan sinking Island, ok?" Pabirong sabi ni Mark.

"Malamang hindi, dahil kung sinking Island yun, ikaw ang unang isisink ko." Hahaha.. Nasapian yata si Mathew. Minsan lang talaga kasi nagsasalita 'yan.

"Ouch, sakit naman dude. Nilalagnat ka ba?" Reklamo ni Mark na hinimas himas ang kaniyang dibdib. Si Luke walang pakialam sa kanilang dalawa dahil pagkain parin ang inaatupag. Hindi naman tumataba.

"Teka guys, ano nga pala ang nangyari that night? I mean, last night pala." Singit ni Slowie

"Well Slowie, I know it's my fault. Pero bakit ba sa dinami-dami ng pwede mong puntahan, bakit sa bar ka pa pumunta? Buti nalang may isang lalaki at isang bata ang nakakita sayo kung saan ka pumunta." Sabi ko.

"Eh sa nabigla ako sa nakita ko eh.. Nasaktan ako ng sobra lalo na ang lintang yun pa ang naabutan kong nakalambitin sayo."

"Talaga Princess?! Sino ba tong lintang to? At mukhang malaki ang galit mo dito?" Echoserong Mark.

"It's MerCy.. I thought alam niyo?" Sabi naman ni Slowie.

"Woaahhh... Si MerCy pala?! Ang bruhilyang deds na deds sayo Chris? Kakaibang tama na talaga sayo yun dude." And that's Mathew again na napatingin kay Chris..

"Oo si MerCy nga Mathew. Sinugod niya ako sa Condo ko na lasing kagabi. Ahh no, pagdating ko, andun na pala siya sa labas ng Condo ko. At kilala niyo ako, hindi ko kayang manakit ng babae."

"Tapos kung makakapit ang linta na yun, mukha pang prostitute sa suot niya." Biglang singit ni Slowie.

"Kaya nga Slowie nang makita kita, wala akong ibang choice kundi ibangga siya sa pader. Tapos yun iniwan ko siya sa sahig at sinundan kita." Paliwanag ko tapos huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Then yung sa bar, ganito kasi ang nangyari." At nagsimula na akong magkwento.

Hingal na hingal na ako sa kakatakbo. Hinahanap ko si Slowie. I have to explain to her everything that she saw. That her conclusion's are completely wrong.

But it beats me what to do now. I've been looking for her everywhere but she's nowhere to be found. Ano nga bang aasahan ko? For sure galit yun sa akin at mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap.. Napakagago ko talaga!

'Napakagago mo talaga Chris!'

Hindi pwede to... I have to find her... Baka mapahamak na naman siya... Minsan na siyang napahamak... And I can't afford to make it happen again!

Tumakbo ulit ako.. Ngayon nasa gilid na ako ng kalsada. Ang daming mga tao. Hindi ko kilala ang karamihan sa kanila. Meron din namang namumukhaan ko pero hindi na ako nakipag-usap pa dahil nakatuon ako sa paghahanap kay Slowie.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Where stories live. Discover now