TLFL 50: Hospital 2

2.2K 168 5
                                    

Dedicated to @theaculapan26, aina_4551

Poohrever143

Chapter 50

Chris pov

'Dami mo pang sinasabi Slowie eh. Halik lang pala ang makakapagpatikom sayo. Though I really like it when you get jealous. Ibig sabihin nun, mahal mo talaga ako and that you're possessive towards me. I want you to be possessive to me Slowie. At saka kung alam mo lang Slowie, gustuhin ko mang sabihin sayo na ikaw si Mary, ayoko muna. Hindi pa ako handang sabihin sayo. Dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Ayokong sirain kung anong meron tayo ngayon. Sa ngayon, masaya ako dahil ang babaeng minahal ko noon at ang babaeng mas minamahal ko ngayon ay iisa lang.' Sabi ko sa aking isipan habang naglalaro ang mga labi namin ni Slowie. Damn! Ang galing niyang humalik. She's driving me crazy. Kaya naman nagsisimula ng umapoy ang katawang lupa ko. Iginiya ko ang kamay ko sa bewang niya at pinalakbay ko ito sa ilalim ng damit niya. She groaned and just when I heard her groan it's driving me crazier. Our kiss is becoming deeper and deeper when suddenly she stopped.

"What is it Slowie?" I asked. Kasi naman yun na yun eh.

"Parang may narinig ako Smirk dyan sa likod." Sabi niya sabay turo sa bandang likuran niya. Anong meron sa kurtina?

"Wala yan Slowie. Ligaw na daga lang yun." Wala na akong ibang naisipan. Sana bumenta kasi sayang ang momentum namin ni Slowie ko. Manyak na kung Manyak! Isang babae lang naman ang minamanyak ko eh.

"Ligaw na daga? Seriously Smirk, you think St. Luke ay may ligaw na daga?! Like, hello!!! Ang linis linis kaya ng Hospital na 'to. Pwedeng higaan ang mga sahig." Wew, oo nga naman. St. Luke is a private Hospital. Paano nga naman pala magkakaroon ng daga dito? Ang linis linis nga. Saka gumagana na pala ang utak ni Slowie. Hindi na siya Slow. Hahah. Ang bad kong boyfriend.

"Ligaw na ipis." At mukhang ako na ang naging Slow. Nabagok siguro ako kagabi?

"Eh di mas lalong malayong mangyari yun."

"Look Slowie just don't mind it ok?" Wala na akong masabi.

"Well mas mabuti naring nangyari yun dahil natigil ang kababalaghan natin Smirk. Pag nagkataon, mahuli pa tayo ng doktor o mga nurse. Nakakahiya yun di ba?" Sabi niya. Napangiti ako ng nakakaloko. Tama nga naman siya. Hahah

Umupo siya ng maayos sa upuan.

"So tell me about it Smirk. About that leech."

"That leech is my craziest suitor since childhood Slowie. I don't like her. I hate her and every inch of her. What you saw last night was a complete mistake. Hindi kasi ako nananakit ng mga babae eh. Hinahanapan ko ng solusyon ang pagkakadikit niya sa akin hanggang sa naabutan mo kami. That moment, she gave me no choice but to slam her to the wall." Sabi ko.

"Ahhhh ok, pero wwhat?!! Did I hear it right? You slammed her?!" Tumango ako.

"Per-"

"She deserves it Slowie ko." I cut her. Kulang pa nga yun eh kung tutuusin.

"So magkakababy na pala tayo?" Biglang tanong ko na ikinagulat niya. Akala niya siguro hindi ko narinig ang mga sinasabi niya kanina. Hahah, ang cute niya nga habang sinasabi yun.

"Ha? An-"

"Blaag!!"- malakas na hagalpak sa sahig sa bandang likuran niya. Nilingon niya ito. Hindi ko alam kung anong nakita niya kasi nakahiga ako.

Tumayo siya at lumakad papunta sa kurtina. Tapos nakita ko siyang huminga ng malalim sabay pikit.

At ang sunod na nangyari ay ang panglalaki ng mga mata ni Slowie na parang nakakita ng multo sa likod ng kurtina.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Where stories live. Discover now