TLFL 29: Found a Friend 2

2.2K 198 2
                                    

Chapter 29

Alex Pov

"Nakakahiya naman sa inyo Maam Alex."

"Alex! Just call me Alex."

"Ok Ma-I mean Alex! Am salamat pala sa pagligtas mo sa akin." she said.. I chuckled again.

"Wala yun. Yaan mo hindi na mauulit na may mambubuly pa sayo. So paano ngayon nyan. Wala ka ng salamin. Hindi kana makapagbabasa ng maayos."

"Ok lang yun. Hindi ko naman talaga kailangan ng salamin eh. Saka fashion lang yun. For display ba."

"Ahh.. so parang pretend Nerd ka, ganun? Pero bakit?"

"Parang ganun na nga.... I find it cute kasi. And another reason, dito kasi ako palaging napupunta sa Library kapag free ako. Which is most students na pumupunta dito ay mga Nerds. Kung baga nakikisama ako."

"Ahh..haha..make sense nga."

Nang matapos na naming ibalik ang mga nahulog na libro, ay lumakad na kami palabas. Hindi ko na hinanap ang librong hinahanap ko. Hindi naman talaga yun necessary.

Huminto ako sa paglalakad at ganun din siya. Nasa labas na kami ng building. Sa tapat ng glass window to be exact. At ang mga mata sa paligid ay syempre nasa amin. But who cares?!!

"So, friends?" sabi ko sabay abot ng kanang kamay ko sa kanya.

"Gusto nyo akong maging kaibigan?" she asked stammering.

"Why not?"

"Pero isa akong NOBODY."

"No. You're not! Who told you that?!" I said dropping shoulders. Hindi siya sumagot.

"Look..." I said and motioned her to look at the glass window.

"Ang babaeng 'yan, siya ba ang nagsabi sayong isa kang NOBODY? Masyado naman atang mapanghusga ang babaeng yan!! Hindi ka nobody Angella. You're actually so much better than everybody here."

"Talaga?"

"Oo nga!.. So,friends?"

"Ssige na nga. Angella Marie Velloro nga pala." then we shaked hands..

"Alexandra Loraine M. Ducaine is my complete identity. Pero Alexandra Montez naman para sa fake identity ko." sabi ko din pero syempre mahina lang kasi alam nyo na. Ang daming tengang nakapaligid sa amin.

Pagkatapos naming magpakilala ng formal sa isa't isa ay lumakad na ulit kami.

"Am.. Free ka ba for the next sub?"-tanong ko.

"Oo.. bakit?"

"Tamang-tama! Free din kasi ako. So what do you say, kwentuhan nalang muna tayo?"

"Sige ba. May alam akong lugar kung saan pwede tayong magkwentuhan na hindi natin kailangang magbulungan." sabi niya at tumango lang ako. Tapos tumakbo kami papunta sa sinasabing lugar ni Angella.

After 2 million years, narating din namin ang lugar na sinasabi niya. Tama siya wala ngang makakarinig sa amin kasi nasa ilalim kami ng isang puno na malapit sa soccer field. Bago kami nagkwentuhan ay chineck muna namin ang buong paligid including the tree. Baka kasi may kapre sa itaas ng puno.

"So yung mga impakta kanina, narinig ko palagi daw kayong magkasama ni MiCo?" I opened up.

"Nuh.. Hindi naman masyado. O.E. naman ng mga Impakta na yun. Mali lang talaga ang interpretasyon nila everytime na kinakausap ako ng Impakto na yun. Palibhasa, hindi sila kinakausap ng Impakto na yun. Pero kung hindi lang para kay Sir Raphael, hindi ako mag-aaksayang pakisamahan ang impaktong yun."

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon