TLFL 26: First Official Date

2.5K 208 3
                                    

Chapter 26

Alex Pov

Katatapos lang ng klase ko ngayong araw. It's 4 pm and today is my 4th day of being in a relationship with Chris. Relationship na hindi nagsimula sa ligawan, kundi sa isang malaking pagkakamali na ngayon ay hindi ko na pinagsisisihan.

Ewan ko ba, basta ang alam ko gusto ko si Smirk. Siguro ay dahil sa mga bagay na natuklasan ko sa kanya. That despite how crazy he is, he's a perfect boyfriend material.

Bigla kong naalala, hindi ko pa pala nasabi kay Smirk ang real identity ko and I think I am going to tell him today.. He deserves to know.

"A penny for your thoughts Slowie? Seems like your thoughts been deep as a well.. Aren't you excited for our first date?"

"Ha? Ah.. wala... Pasensya kana. Na space out lang ako... Ano nga yung sabi mo? Saan ba tayo pupunta?" Nuh.. kanina lang hila-hila niya ako. Tapos ngayon, nasa loob na pala kami ng kotse niya.

"Sa First date nga natin.."

"Saan nga.. Kailangan ba talaga nating magdate? Hindi naman totoo itong relationship natin."

"Anong hindi totoo... We're in a real relationship kaya lang good for 6 months. Sana nga lang after 6 months o wala pang 6 months ay mahal mo na ako. Kasi I want us to be together for a lifetime." He said looking at me holding my hand. Oo nga pala. Nakalimutan kong real relationship pala kami. Yun nga lang good for 6 months and after that nasa akin ang desisyon kung ipagpapatuloy ko ba ang relationship namin. Pero sa totoo lang wala akong planong pakawalan siya. Handa na akong mahalin siya ng buong-buo.

'I choose my Love and Love my Choice!'

At si Smirk ang napili kong mamahalin.. Siya ang choice ko.

"So what's our first would be?"tanong ko.

"Ok lang ba sayo kung manuod tayo ng She's Dating The Gangster? na pinagbibidahan ng KathNiel.. Ngayon kasi ang premiere an-"

"Idol mo din pala sila?!! That is a PERFECT FIRST DATE for us!!... Malayo pa ba tayo? Saang Cinema tayo manunuod?!! Bilisan natin baka maubusan tayo ng tickets!!" excited kong sabi... Si Smirk nakita ko siyang napangiti ng konti tapos umiling-iling

"Ngingiti-ngiti tapos iiling naman." parinig ko sa kanya.

"You're too excited."-tumatawang sabi niya.

"And so are you?!.. Parang nagtatanong lang ako dahil naniniguro lang ako. For sure puno na ang sinehan ngayon at sold out na ang mga tickets." pagtataray ko at ang loko smirk lang ang sinagot sa akin.

"Don't worry Slowie ko. I've took care of everything.. We're almost there and I'll make sure this will be a perfect first date." seryosong sabi niya na tinitigan ako ng nakakatunaw na tingin.. See? Who wouldn't fall for him. He's the

"Wag mo nga akong tititigan ng ganyan." sabi ko at nagsmirk na naman siya.

Tumahimik nalang ako.. Ang hirap niyang eexplain.. Pilyo pero seryoso minsan.. Tapos ang super caring.

"Where here." sabi niya tapos pinark ang kotse niya sa labas ng malaking mall.. Nauna siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako..

Nahihiya man ako pero hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. So we are holding-hands-while-walking. Ganun parin patay sa inggit sa akin ang mga kababaihan. Patay na patay sila kay Smirk pero si Smirk patay na patay sa akin. Hindi ko pinansin ang mga pinagbubulungan nila.

Pagdating namin sa Sinehan, nganga ako. Grabeh ang haba ng pila.. Makakapanuod pa kaya kami nito?

Pero nagulat ako dahil biglang may lumapit sa amin na isang lalaking naka black tuxedo.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon