TLFL 44: Ky & Rey

1.9K 182 9
                                    

Chapter 44

Alex Pov

Naglalakad ako sa isang malapad na dalampasigan. Madilim pero dahil sa maraming bituin at napakaliwanag ng buwan, kitang kita ko ang buong paligid.

Kay ganda ng buong paligid lalo na ang karagatan na animo'y kumakanta. Kapag ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, masasabi mo nalang na ikaw ay nakatayo sa isang paraiso.

Sa di masyadong kalayuan, natanaw ko ang isang malaking beach house. Sa hindi ko namalayan, kusa na pala akong dinala ng mga paa ko palapit sa Beach House.

Nakabukas ang main gate nitong kulay puti. May dalawang babaeng hindi pa katandaan. Mga nasa 20's pa ata sila. Nagtatawanan habang nagkukwentuhan.

Biglang lumingon sa direksyon ko ang isang babae at ngumiti sa akin ng napakatamis na ngiti. Eh? Bakit siya ngumiti sa akin? Kilala niya ba ako? Napakaganda niya sa kaniyang mahaba at medyo kulot na buhok. Para siyang dyosa.

Lalakad na sana ako palapit sa dalawang babae pero napatigil ako. Biglang naagaw ang atensyon ko sa boses ng dalawang batang nagtatawanan. Ilang sandali biglang may dalawang batang tumatakbo. Mula ang mga ito sa loob ng beach house. Isang batang babae at batang lalaki na mukhang nasa 7-8 yrs. old.

Naghahabulan sila hanggang sa lumabas sila ng gate. Sinundan ko silang dalawa. Grabeh ang bibilis tumakbo. Nawala sila sa paningin ko.

Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko ang sarili ko ngayon na hinahanap ang dalawang bata.

Sa aking paghahanap ay biglang naagaw ang atensyon ko sa nag-iisang maliit na puno. Hindi naman ito masyadong maliit pero considered talaga siya na maliit.

Sa hindi ko namalayan, kusa na palang humakbang ang mga paa ko palapit sa puno at doon ko na nakita ang hinahanap ko.

Ang dalawang bata na hinahanap ko ay magkahawak kamay ngayon habang nakahiga sa ilalim ng maliit na puno. Nakatingala sila sa ulap at masayang pinagmamasdan ang mga bituin. Wahhhh.. ang bata bata pa, may hawak kamay epek na..

"Ang ganda ng panahon Ky no? Lalo na ang mga bituin. Ang kikinang." biglang sabi ng batang babae habang nakangiting nakatingala sa kalangitan. Ky pala ang pangalan ng batang lalaki.

Imbes na sumagot, tumagilid si Ky paharap sa batang babae at tinitigan ito ng maigi.

"Oo nga.. ang ganda.. parang ikaw Rey.. habang tinititigan kita ng matagal ay paganda ka ng paganda.."

"Wehhh...Ayan ka na naman ehhh.. bumabanat ka na naman.." Rey habang nakatingala sa ulap.

"Hindi ako bumabanat Rey.. I'm damn serious." Sabi naman ni Ky na titig parin ng titig kay Rey. Si Rey naman hindi na siya nakatiis at palihim na sinulyapan si Ky na biglang nagsmirk..

Abah.. parang si Smirk lang kung magsmirk si Ky.

"Ky..ano ba? wag mo nga akong titigan ng ganyan.. ipapapulis na kita.." reklamo ni Rey kay Ky habang napapatakip sa kanyang mukha.. ahaha.. feeling ko nagbablush si Rey.

Pero teka.. Wala ba kayong napapansin? Kasi ako may napapansin ako sa dalawang musmus na ito..

Baliktad ata ang pangalan nila. Dapat si girl ang Ky at si boy ang Rey..Ahahah..

"Sorry Rey.. But I can't help it. Your beauty is so addicting that I couldn't take my eyes off." ang sweet naman.. Pero ang galing bumanat itong si Ky kahit ang bata-bata pa.. Mukhang may pinaghuhugutan.

"Wehhh.. pwede ba tumigil ka Ky?!" Rey na nagtatakip pa rin ng mukha. Aheheh.. hindi man aminin pero alam ko kinikilig itong si Rey.. Hahah.. para akong nanunuod ng palabas sa TV. Ang cute nilang tingnan.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon