TLFL 28: Found a Friend

2K 201 2
                                    

Chapter 28

Alex Pov

"Hoy!!" Sigaw ko pero hindi masyadong malakas. Enough na hindi maririnig ng School librarian.

Pero sa tingin ko hindi naman kami maririnig ng matandang Librarian kasi mukhang may pagkabingi na siya.

Lumingon ang tatlong impakta sa akin pati na din si Angella na mukhang nagulat.

"Oh look what do we have here!"-impakta 2.. She cross arms.*raise eyebrow*

"Bitawan mo siya impakta!!!" maawtoridad kong sabi sa impaktang sumasakal kay Angella.

"What.did.you.just.call.me?!!!"- galit na tanong ni impakta 1.

"Well, why don't you look at yourself at the mirror Impakta!! And of course with the two of you! !"

"Abah!!! At sino ka to tell us what to do Bitch!!!"-galit na sabi ni impakta number 2 sabay mabilis na lumakad palapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"Sino ako?!!! If I tell you kung sino ako, baka magsisisi ka lang na inalam mo!!!"

"Abah!!! Sumasagot ka din!!!"

"Aba'y, natural lang na sagutin kita impakta!!! Tinatanong mo ako di ba?!!!"

"Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sayo Bitch!!! Hindi mo magugustuhan!!!"

"At mas lalong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa inyong tatlo kapag hindi niyo pinapakawalan ang kaibigan ko!!!"

"Magkaibigan?!! kaya pala pareho kayong panget!!!"

Abah!!! itong face kong to panget?!!! At lalong hindi panget si Angella!!! Hindi lang siya marunong manamit!!! Impakta talaga!!! Kung ingudngod ko kaya ang mukha niya sa salamin ng makita niya kung gaano siya ka panget. Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Lumapit si impakta 3 kay impakta 2. Kanina lang ay parang nanunuod lang siya ng palabas. Hindi siya nakikialam kanina but she did roll her eyeballs most of the time. Akala ko nga malalaglag na..

"Girl.. girl.. Siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali.." Anong sinasabi ni impakta 3.. Alam ba niya ang real identity ko? Kalat na kasi sa buong Academy na nangdito na daw nag-aaral ang anak ng isang sikat na Business Tycoon. Yun nga lang walang nakakaalam liban sa The Seven Dangerous kung sino sa mga estudyante dito si Miss Ducaine. Si Smirk ay naiintindihan niya ako at ipapakilala ko siya kay Daddy on my debut. Saka yung araw na nangyari ang hindi dapat nangyari sa amin ni Smirk, bago tumawag si MiCo, sila daw ni Smirk ang nag-usap sa telepono.

Pero ano ang sinasabi ng impaktang ito, na ako daw?..

"Ano bang sinasabi mo Agata!!" So that's her name..

"Siya ang girlfriend ni Papa Chris."-Impakta 3..

At nakahinga naman ako ng maluwag. Hay! akala ko mabibisto na ako.

"Ahhh.. so you're the girl everybody's talking about.. But so what!!!, eh di mas lalo kong gagawin sayo itong pinaplano ko ngayon!!! Tingnan lang natin kung hindi ka hihiwalayan ni Papa Chris!!!" she said angrily and grabbed a penknife from her pocket. Oh no.. Ex-Con kaya ang impaktang to?!!

"Bitawan nyo siya! Wag nyo siyang idamay! Ako naman ang kailangan nyo di ba?! Kaya ako nalang ang pahirapan nyo!!!"-biglang sigaw ni Angella na naiiyak na.

"Shut up Bitch nerd!!! She intruded, so kasali na siya sa laro!!!"

"Oh my God. Girl wag mong gawin yan. Patay tayo kay Papa Chris!!! Nakakatakot pa naman yun pag nagagalit." naghihisterikal na sabi ni impakta 3. Impakta 2 is aiming the penknife to my face.

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Where stories live. Discover now