Chapter Thirty Three

204 11 2
                                    

Yow! Yow! Wassup guys?  So I have a friend and he has a story.  BxB story po siya so please kindly support my friend.

Always by my Side by maknaepsycho

LOVE LOTS! 😘

---------------------------

Elizabeth's POV:

Hindi ko sinunod ang utos ni Leigh sa akin. Pumasok pa rin ako ng hindi niya alam.

"Sa akin ka ba sasabay ngayon El?"

"Nope"

Lumapit ako sa kotse ko. Ayoko ngang iwan itong baby ko. Naunang siyang umalis. Naka buntot lang ako sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa school.

*dug*

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Hindi muna ako bumaba ng kotse ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid.

Lumingon lingon ako sa paligid. Madaming namang estudyante ang dumadaan. No danger is spotted. So ano naman ikinakaba ng katawan ko?

Bumaba nalang ako ng kotse at nilapitan si Karl na naghihintay sa akin sa gate ng school. Tumakbo ako palapit sa kaniya pero napahinto ako nang biglang may humawak ng balikat ko mula sa likod at pinaharap ako sa kaniya.

Pagharap ko ay isang malakas na sampal ang natanggap ko kaya napahiga ako sa lupa.

What the fvck?!

Tinignan ko kung sino ang may gawa nun. Nagulat nalang ako na isang lalakeng naka maskara ang gumawa nun.

Kinuha niya ang baril mula sa bulsa nito at itinutok ito sa akin. Nagsitakbuhan at nagsigawan papalayo ang mga taong malapit sa amin.

"El!" Rinig kong sigaw ni Karl sa malayo.

Kinasa niya na ito. Ready na siyang paputukin ito pero may isa nanamang tao ang bumaba ng van na nasa likod niya.

"Kailangan siya ng buhay"

Nagulat ako dahil nakikilala ko ang boses na iyan. Who could have thought that she can do this with her innocent profile?

Nabigla nalang ako dahil may biglang humawak ng mga balikat ko patayo. May inilagay silang panyo pantakip sa bibig at ilong ko. Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng hawak niya sa akin.

The next thing I knew nawalan na ako ng malay.












Nagising ako dahil sa lakas ng ingay na naririnig ko kaya dahan dahan akong napamulat.

Nagulat ako dahil ang daming tao ang nakapalibot sa akin. Hindi ko man sila nakikita pero nararamdaman ko sila.

May ilaw na nakatapat sa akin. Parang spotlight ganun. Trinry kong galawin ang mga kamay ko pero napagtanto kong nakatali pala ito. Tsk! Kainis!

"Where am I?"

Wala man lang sumagot sa kanila kahit isa. Playing invisible! Tsk!

Akala ba nila ay hindi ko sila nakikita? Ano ako bulag?

Playing is my hobby. If they want to play, then I'll play with them.

"A-asan ako?" pagpapanggap ko na takot.

"Asan ako?! Tulong! Tulong!" luha lumabas ka! I need you! HAHAHA! Diba ganun yun? Kapag na ki-kidnap ka ay iiyak ka.

"KARL?!" malakas kong tawag sa kaniya. Hinahanap ko talaga siya baka kasi napasama siya dito. Kung napasama siya dito, naku naku! Lagot kayo sa akin!

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now