Chapter Twenty Seven

198 9 3
                                    

Leigh's POV:

Demon?

Is it just a coincidence?

I mean, when Bea said that she saw a demon tattoo on her back, I suddenly remembered the G.Q.

Her gang has a tattoo on their upper left shoulder. Pero ang sabi dw, may crown na black ang sa gangster queen at ang mga members ay white demon lang.

Pero ang sabi din ng iba, wala naman dw korona na black ang tattoo ng G.Q.

"What's that?" tinuro ni Angel ang peklat na nasa ibaba ng kaliwang dibdib ni Elizabeth.

Naka x ang peklat niya.

Paano naman siya nagka peklat?

Is this what she's trying to say that knowing her more might lead me to death?

Or maybe not.

Kinuha ni Elizabeth ang damit niyang hawak ni Bea. Sinuot niya ito ng mabilis bago siya naglakad ng mabilis papalayo sa amin.

Sinundan ko naman siya at hinawakan sa braso. Tinignan niya naman ako ng masama.

Bibitawan ko na sana ang braso niya pero nagsalita ito.

"Don't move" utos nito. Tinignan ko naman siya na puno ng pagtataka. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ko.

"Nakikita mo yung taong naka all black na nasa hindi kalayuang puno?"

Hinanap ng mga mata ko kung nasaan iyun. At ayun nga, nasa hindi kalayuang puno. Naka tingin ito sa gawi namin. Ang laki ng hubog ng katawan nito. Pang body guard ng mga matataas na tao.

"Nakita ko na"

"Bantayan mo ng maigi ang sarili mo. Kanina ka pa sinusundan niyan"

Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya "Wag mong lalapitan, baka makita nalang kitang naka handusay" pagkasabi niya nun ay lumakad na ito paalis.

Anong naka handusay ka diyan?! Gangster kaya ako!

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni El. Pumunta na ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay naghahanda na para sa lunch namin.

Umiihaw na sila ng barbeque at ng iba pa. Pero dahil nga maarte ang iba, may mga dala silang chicken.

Naalala ko bigla si Elizabeth nung kumain siya ng manok.

Mahilig ata yun sa manok eh? I always see her eating chicken. Especially the spicy ones.

Speaking of Elizabeth, where is she?

Kumakain na kami ng lunch ngayon pero wala pa rin siya.

Nandito ang mga kaibigan niya at nasa mga kakilala naman ni Karl ang kasama niya.

"Chill master, napaghahalataan ka eh" sinamaan ko naman ng tingin si Zack.

"Kasama niya si Josh na naglalakad"

"Wala akong pakialam"

Ngumisi naman sila at tumingin sa akin na parang isang biro ang sinabi ko. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa kaniya eh.

*******

Josh's POV:

"I have something to ask you"

Nagulat naman si El. Nakita ko kasi siyang mag isang lumalakad papalayo pero nasa gilid lang siya ng dagat. Kaya nilapitan ko ito para matanong na ang isang tanong na matagal ko nang gustong tanungin sa kaniya

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now