Chapter Eight

285 19 0
                                    

Elizabeth's POV:

🎶🎶... Kapag tumibok ang puso
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito
Kapag tumibok ang puso
Lagot ka na
Siguradong huli ka ...🎶🎶

Kanina pa ako kanta ng kanta ng kantang yan. Eh sa gusto ko eh!

Simula nung magising ako kanina hanggang sa pag luto ko ng pag kain namin kinakanta yan. Happy kasi ako.

No words can explain how I feel.

Si Karl kasi eh.

"Hm hm hm hm hm hm hm..."

Sumasayaw sayaw na rin ako. Naka tingin silang lahat sa kin na parang takas ako ng mental pero wala akong paki.

"Bye Ate Joy" paalam ko sa kaniya at bineso siya.

"Bye yaya's! Bye butler's!" Paalam ko sa kanila. Bakit may S? Madami sila eh! Bakit ba?

Habang lumalakad ako nag huhum pa rin ako. Naririnig ko rin ang pinag uusapan nila.

"Ano pong nangyari kay Señorita Elizabeth?" Tanong ng isa sa mga maid namin.

"Ewan ko nga rin po eh" sagot naman ni Ate Joy.

"Mukhang blooming si Señorita ah!" Sabi naman ng isa sa mga butler namin.

"Ay! Naku! Alam ko na! Baka may sweet moments yan sila ni Karl kagabi!"

Naka salubong ko si Ate Hadley sa gate. Binati ko siya ng hug.

Nginitian ko si Ate habang sumasayaw "Kamusta na Ate? Miss you! Sige pasok na ako!"

Lumabas ako ng gate para sana kunin ang kotse ko, hindi ko kasi pinark sa garage namin. Kanta pa rin ako ng kanta. Bubuksan ko na sana ng may nag busina.

*beep*beep*

Napatingin ako sa pinanggalingan nun at nakita ko ang kotse ni Karl. Lumapit siya kin at huminto sa harapan ko.

Bat ka nandito?

Binaba niya ang bintana.

"Good morning" kinawayan ko siya.

Kumaway din siya sa kin "Good morning El"

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Am I not allowed here? HAHAHA"

"I did not say that" but you're not allowed to go some other girls' house.

"Sabay na tayo papuntang school" aya niya sa kin. Feeling ko... May tumitingin sa min. Di lang tingin, nood pa!

Tumingin ako sa likod at nakita si Ate Joy, Ate Hadley, mga maids, at mga butlers na nasa gate nanonood. Ano yun? May palabas? May artista? May shooting?

"What are you doing?" This is not a movie to be watched!

"Don't mind us"

Pinabayaan ko nalang sila. Rinig ko pa ang mga tili nila. Napa chuckle nalang kami ni Karl.

Bumaba siya at pinag buksan ako ng pintuan. Ayie! Kilig si ako!

Pumasok na ako at umupo na sa tabi niya na upuan. Sinarado niya na ang pintuan at tumakbo siya papunta sa driver's seat.

Pumasok na siya at pina harurot ang kotse. Ang tahimik sa loob, nakikita ko sa pheriperal vision ko na tinitignan niya ako. Nakaka awkward kaya binuksan ko na ang radyo.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now