Chapter Eighteen

208 14 0
                                    

Elizabeth's POV:

*kring*kring*

Nakapikit pa rin akong kinuha ang phone ko sa bed side table.

"Hm?"

[[Good morning]] bigla akong napamulat at tinignan kung sino ang tumatawag.

Sheyt!

Yung future ko!

Bat tumatawag si Karl? Di man lang ako sinabihan ng goodnight kagabi tch! Di pa nanood ng laban ko! Tas mag go-good morning siya ngayon na para bang wala siyang ginawang kasalanan?!

Tsk! As if he cares what I feel! Pakasaya siya sa babae niya!

"Morning" pagkasabi ko nun ay binabaan ko na siya ng tawag. Tsk! Dun ka sa babae mo!

Naligo na ako at nag bihis ng damit. Pagbaba ko ay naka handa na ang mga pagkain kaya kumain na ako. Tulog pa dw yung iba kasi sobrang aga ko ngayon.

Pinasabi ko nalang sa isang maid na umalis na ako.

Sumakay na ako sa kotse ko pero bago ako umalis ay may tinext muna ako. Pagkatapos nun ay umalis na ako.

Pagdating ko sa school ay wala pang masyadong estudyante dahil sobrang aga ko ngayon. Papunta na ako sa room namin nang may narinig akong boses na nasa likod ng puno. Out of curiosity, nilapitan ko ito para mas marinig ko.

Laking gulat ko na boses pala ni Mary Anne yun.

"Don't you dare do something, lay a hand on him at ako ang papatay sa'yo!" pabulong na sigaw nito.

"Iwawala ko ang babaeng iyun kung makakakuha ako ng tyempo. Hindi ko siya mapapatay sa harap nilang lahat lalo na sa kaniya, that would end my career"

Agad nitong pinatay ang tawag at ibinulsa ang kaniyang phone. Ngayon alam ko na kung ano ang ibig sabihin na iyun ni Angel noon. Na parang peke ang kaniyang katauhan, for public viewing only.

At sino naman ang makaka isip na ganun ang ugali ng isang inosenteng Mary Anne? Tsk!

Umalis na ako sa lugar na iyon. Sinong babae naman kaya ang tinutukoy nya? At sinong him? Si Leigh ba?

Hindi ko na iyun pinansin pa at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Umupo na ako sa upuan ko at hinintay ang bawat pagdating ng mga estudyante. Absent ang hari ngayon. Itinanong ko kina Zack kung bakit siya absent.

"Nagulat nga din kami na absent siya eh"

"Wala siyang sinabi or text man lang"

Okay naman siya kagabi ah? Anyare?

Di ko alam pero may nararamdaman akong panganib. Tsk!












Lunch na at wala pa rin ang hari. Tsk!

Bat ko ba hinahanap yun?! Wala akong paki dun!

"Hey El" nilingon ko si Karl na nasa tabi ko na pala.

"Bakit?" malamig kong tanong.

Napakamot siya sa batok niya "bat mo ako binabaan ng linya kaninang umaga?"

"Busy kasi ako" sagot ko at hindi na rin naman siya sumagot. Pagdating namin sa cafeteria ay nakatingin silang lahat sa min. Malamang, kasama namin yung tatlo eh.

Text ko kaya ang hari? Di kasi ako mapakali, lalo na yung sinabi ni Mary Anne na him. I think she's referring to Leigh. I'm not sure, pero text ko nalang siya or tawagan para sure ako.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now