Napatanga ako. Hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig nya! unti unting nangunot ang noo ko, pinunasan ko ang pisngi ko"are you out of your mind?! Hindi na nga ako babalik sayo!" Gigil na sigaw ko.

Nahihibang na ba sya?!

"Gusto ko lang subukan.. gusto kong sumugal baby. pag nagsimula ulit tayo magdate baka marealize mong ako pa din ang mahal mo. Don't worry hindi ko to sasabihin kay ashley pero hindi mo din pwedeng sabihin to sakanya. Gusto ko lang magkaron tayo ng kasunduan. kung hindi mag work ... titigilan na kita.. ipapaubaya na kita kay ashley at hinding hindi na manggugulo.."

mukhang handa syang isugal ang lahat makuha lang ang gusto.



Para akong natatanga sa mga sinasabi nya, so ang gusto nya bang mangyari ay magdadate kami secretly???!!


May iniwan syang papel sa table. "Pag isipan mong mabuti grey..." tinitigan nya muna ako ng mabuti bago magpaalam na aalis na sya.


Mga limang minuti Pagkaalis nya nanghihinang napaupo ako sa sofa.

"FUCKKKKKKKKKKK!!!" Sigaw ko na ikinadagundong ng bahay.



Galit na kinuha ko ang papel na nilapag ni camden, nakalagay dun ang number nya. Nagmamadaling umakyat ako sa kwarto para magpalit ng damit. Ng matapos bumaba na ako, nag aalalang mukha ni manang ang bumungad sakin.

Cold ko lang syang tinignan "wala kayong ibang pagsasabihan na pumunta si camden dito, at mas lalong wag na wag mong sasabihin kay cloud" umalis na ko saka balabag na nagtungo sa parking.

Lahat ng mahawakan ko kung hindi ko hinahagis, binabalibag ko. Parang gusto kong pumatay ngayon dahil sa mga sinabi ng kinginang lalakeng yon! Binablackmail nya ba ako????!!!

Fuck! Fuck! Fuckkkkkk!!!!

Habang nasa byahe hindi ko mapigilan mapahawak o mapahampas sa steering wheel. Damn! Nakakanginig sa galit!

Hindi ko na alam kung pano ako kakalma. Dahil yung galit ko sagad!!!


Bakit ba ang daming gustong paglayuin kami?!
Wala naman kaming inaapakan tao. Bakit ayaw nalang nila kaming hayaan na maging masaya. Bakit...bakit kailangan madaming humadlang??!


Bara-bara akong lumiko at nagpark. May bumungad sakin na isang guard pagkalabas ko sa kotse. nakangiting binati nya ako at nagsaludo pa. Wala ako sa mood kaya nilagpasan ko lang sya.

Pumunta ako sa counter para sabihin ang gusto kong gamitin na shotgun. Kilala nya naman ako, kaibigan sya ni dad kaya hindi na nya ako pina fill up ng form. Nilabas nya ang mga equipment gear pero kinuha ko lang ang earplugs at shotgun.

Nang makapwesto agad ko iyon kinasa at sunod sunod na nagpaputok.

Kasa
Putok
Kasa
Putok

Iniimagine na si camden ang target. Masyadong tuso, lahat gagawin para makuha ang gusto! Fuck you!

Nang mangalay ibinaba ko ang hawak ko at nagtanggal ng earplugs.

Hindi manlang nabawasan ang bigat sa dibdib ko!

Pag ikot ko kitang kita ko ang lahat ng nandoon na nakangangang nakatingin sakin.

Hindi ko sila pinansin nagtuloy ako sa isang bench at naupo. Walang tao banda dito.


"Sino ba ang gusto mo patayin at halos baliin mo ang shotgun sa gigil mo? May problema ka ba?"



Agad ako napalingon sa gilid ko may hawak syang dalawang bottled water. Iniabot nya sakin yon.


Imbis na abutin yon. Tumayo ako yumakap sakanya. Parang bigla nakahanap ako ng sumbungan. Bumigay ang loob ko at umiyak sa balikat nya.


Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon