CHAPTER 35 - Moves like Saiyan

Comincia dall'inizio
                                    

Pagpasok ko ng silid ko ay agad akong nagtanggal ng mga suot ko at boxer nalang ang tanging natirang suot ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at muling kinapa ang picture ni Miracle na nilapag ko pansamantala sa aking bedside table.

She was smiling innocently like an angel here kaya ko nagustuhan ang picture niyang ito hanggang sa naisipan kong nakawin nalang.

Her eyes ..

Teka. Parehong pareho sila ng mga mata ni Sigrid. Hays! anak ng tokwa! Namimiss ko lang siguro si Miracle kaya pati kay Sigrid ay nakikita ko na rin siya. Wuzz! Kailangan ko na talagang matulog. For sure, antok lang ‘to.

∽∽■∽■∽■∽∽

K I N A B U K A S A N . .

BUMANGON ako sa aking higaan na parang may mabigat na nakadagan sa ulo ko. Malamang hangover na naman. Phew! Hindi dapat malaman ni Mommy na uminom ako ng alak kagabi dahil tiyak raratratin na naman ako nun.

Holy fuck!

Napabalikwas ako ng tayo nang mahagip ng mata ko ang bedside clock. Ala-una na ng hapon. Hell! Gano'n ako katagal natulog?

*Tok! Tok! Tok!*

“Kuya Sai, Gising na.” boses ni Vegetta.

“Gising na ako.”

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang kapatid kong may hawak na baso ng tubig.

“Pasalamat ka saturday ngayon kaya ayos lang kahit matulog ka pa buong araw. Wala din naman si Mommy pero,” Initsa niya sa akin ang isang tableta ng painkiller. “Inumin mo ‘yan. Maligo ka na rin. Magpapahanda ako ng makakain kay Manang Ester.”

“Alright, Boss.” i said, smirking. “Pero mamaya ka na magpahanda ng pagkain kasi aalis ako pagkatapos kong maligo.”

“Saan ka na naman pupunta?”

“Kay Sigrid.”

He nodded. “Siya siguro ang dahilan kung bakit ka nagmukhang matandang lasenggo—ay mali. Mahina lang pala ang tolerance mo sa alcohol kaya mabilis kang tinamaan sa kakaunting —”

“Whatever, Vege. Labas na.” Pagtataboy ko sa kumag kong kapatid.

“Isama mo nalang kaya ako —”

“No freakin’ way!”

“Ma-busted ka sana.” Bubulung-bulong na aniya saka kumaripas ng takbo palabas ng aking kuwarto.

Abnormal.

Huminga ako ng malalim at saka pinulot ang gamot na dala ni Vegetta saka ito ininom. Mawawala din ‘tong pesteng hangover ko mamaya kapag nakita ko na ang mabisang gamot. Si Sigrid.

∽∽■∽■∽■∽∽

SIGRID’S POV :

Hays! Nakakapagod maglaba.

“Apo, kaya mo pa ba?” Boses ni Lola sa likuran ko. “Gusto mo bang tulungan kita diyan?”

Nilingon ko siya saka umiling. “Huwag na po, Lola. Kaya ko naman po, e.” Sabi ko. “Saka ‘wag niyo po akong masiyadong bini-baby kasi malaki na po ako, Lola.” Nakangiting dagdag ko.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora