Chapter Thirty Two

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Bawas ligaw points yun El" napa irap nalang ako dahil sa sinabi niya. Wala nang points points sa panliligaw kung gusto mo ang isang tao.

"Tsk! Bahala ka nga dyan" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Dadalhin ko lang ang mga gamit mo sa kwarto mo kaya mauna ka na"

"Okaaay"

Nauna na akong pumasok sa kwarto na katapat lang ng kwarto niya. Pagkaupo ko sa kama ay nag ring bigla ang phone ko.

Pagtingin ko ay si Leigh lang pala kaya sinagot ko na ito.

"What?" mataray kong pambungad sa kaniya.

Hindi man lang ito sumagot. Tsk! Tatawag tawag tapos hindi naman pala magsasalita. Sapukin ko pagmumukha mo eh!

"Uy ano?! Papatayin ko na ang tawag"

Papatayin ko na sana ito pero nagsalita na siya kaya di ko na tinuloy.

[[H-hey]]

Hey?! Yun lang sasabihin mo?! Abnormal ka talagang Leighbag!

"Bakit ka ba napatawag?"

Nanahimik nanaman ang kabilang linya.

Sasapukin ko na talaga siya!

Magsasalita na sana ako ulit pero narinig kong humikab siya sa kabilang linya.

"Inaantok ka?"

[[Yeah, a little]] pagkasabi niya nun ay humikab nanaman siya.

"Anong little ka dyan?! Magpahinga ka nga!"

[[I can't… Napaka delikado ng sitwasyon namin ngayon]]

Tumahimik naman ako. He's really working hard for a weak gang leader.

[[Pwede bang wag ka munang pumasok?]]

Kumunot naman ang noo ko.

"Pumasok? Saan?"

[[Wag ka munang pumasok sa isipan ko]]

*dug*dug*

Ay abnormal na palaka!

"Abnormal ka? Di ako kasiya dyan"

[[Tsk! HAHAHA! Ang tali-talino mo pero tatanga tanga ka rin minsan eh HAHAHA!]]

Alam ko naman kasi kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo!

Ang lakas mo pa makasabi ng tanga! Balibagin kita dyan eh!

"Tsk! Matutulog na ako!"

[[Wait! Wait! Eto na seryoso na]]

So joke lang pala yun?! Ah sige! Hindi naman ako nag expect kaya okay lang sa akin iyun.

[[Wag ka munang pumasok sa school]]

"At bakit?!" gulat kong tanong.

[[Kilala ka bilang girlfriend ko and I'm sure na ta-targetin ka nila]]

"So after mong makita ang dami kong napatay akala mo hindi ko ito kaya?"

[[This situation is very different Elizabeth. Different situation, different people]]

But the same weak people...

[[Sundin mo naman ako kahit minsan lang El]]

Napabuga naman ako ng malakas na hangin.

Fake BoyfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ