Chapter 6: Exordium

495 28 8
                                    

Chapter VI
The Value Of A Life



AWTOMATIKONG nangatog ang buong katawan ni Tsarina nang maabutang nasa loob ng bunganga ng kaninang mala halimaw na hayop ang kalahati ng katawan ni Aaren.



Makapal na sanga lang ang nakakalang sa bunganga nito pero unti-unti na 'yong lumalagutok habang pinipilit nitong isara ang panga.




Nanliit sa pagtitig ang mga mata niya nang may ibang mapansin. Sigurado siyang si Aaren ang nakikita pero medyo lumaki yata ang pangangatawan nito at parang balot ng balahibo.



“A-Aaren?” tawag niya.



Natulala na lang siya nang ilabas nito ang ulo at mabistahang mabuti ang makapal nitong buhok, pati na ang matatalas nitong pangil. She's not hallucinating. Aaren's face is of a lion while his body, though covered with short fur, is human! A half-man, half-beast. A hybrid of some sort.




Just then, she noticed that he is somehow enraged; based on how tight he's gritting his teeth and how vicious his loud roars are.




Marahas na ipinasok uli ni Aaren ang sarili sa nakabuka pa ring bibig ng halimaw, which like everything else made no sense to Tsarina.



This time, Aaren crawled deeper into its jaw. Nang mga paa na lang nito ang nakikita ni Tsarina, nagsimulang mag-panic ang utak niya. Dinukot niya ang phone at sinubukang sumagot ng mga tanong pero hindi nakipag-cooperate ang utak at daliri niya sa kanya. Her mind remained blank and her fingers just trembled.



Hanggang sa mapansin niya ang unti-unting pagkilos ni Aaren paatras. May pilit na 'tong hinihila galing sa lalamunan ng higanteng hayop. Nang mahatak kung anuman 'yon, inihagis nito agad 'yon papunta sa direksyon niya. “Tsarina!” he roared in a deep monstrous voice.



Kusang nagbukas ang mga bisig niya para sumalo. Mahigpit niyang nayakap ang karga nang sugatang bata. Mukha 'tong nasa limang taon pa lang. Tsarina almost bursted crying. The child was wholly swallowed by the terrifying black bear. That's the reason why Aaren was so infuriated. Naabutan niya kasi sa aktong isinusubo ng hayop ang bata.



Nanginginig na inihiga ni Tsarina ang bata sa lupa. Hindi 'to kumikilos kaya inilapit niya ang tenga sa dibdib nito bago napisil na lang ang kamay ng paslit.




Nang ibalik niya ang mga mata kay Aaren, hinaharap na nito ang halimaw. Puno ng panggigigil ang kaliwa't kanang atake nito. Bawat wasiwas ng mga kuko, sinisigurado nitong babaon sa balat ng napakalaking kalaban. Him, being a beast is evident not only in appearance, but also in demeanor. Para talaga siyang mabangis na hayop na handang pumatay. Paulit-ulit lang siyang mabilis na sumusugod. Wala rin siyang pakialam kahit ilang beses mahampas at tumalsik.



Hindi makapaniwala si Tsarina na posibleng magwala ng ganito si Aaren. Ang lalaki kasi ang pinakatahimik sa classroom. Palaging kalmado. Hindi magsasalita kung hindi kakausapin. Kahit ga'no kaingay at kagulo ang mga kaklase nila, wala 'tong imik. Para 'tong kontento lang sa sarili niyang mundo.

Exordium: God Is A Gamer (Mild R-18)Kde žijí příběhy. Začni objevovat