Chapter 3 Exordium

759 47 4
                                    

Chapter III
Square One




HAWAK si Tsarina sa kamay, inaalalayan ni Aaren 'tong makababa sa nakatumbang cell tower na nagsilbing tulay nila para makatawid sa kabila ng malawak na awang.




"Ang lamig." Halos pabulong na ang sinabing 'yon ni Tsarina habang yakap ang sarili at hinihimas ang magkabilang braso.




Saglit silang nagkatinginan bago itinuon ang kanya-kanyang atensyon sa maulap na paligid. Aside from the thick haze and cold air, eerie silence welcomed them.




Aaren can barely make shape of anything. All he sees is white. Not really knowing where they're going, or what lies ahead, he made a steady step forward. Bulag siyang humakbang palalim sa makapal na hamog kasunod si Tsarina.




Para na sana silang naglalakad sa ulap kundi lang matigas ang lupang nilalakaran nila.




Walang may alam kung ilang minuto na ang lumipas bago sila may naaninag sa walang katapusang hamog.




"C-convenience store?" taka siyang nilingon ni Tsarina.




What she said confirmed that the very building a few meters away from them is indeed a convenience store. Strangely, there's electricity. There was a lit signage: Square One, which didn't suffice to convince Aaren at first. Afterall, it was the least possible expected thing to see in the middle of a straying mist.




Nauna siyang lumapit at ipinagbukas ng pinto si Tsarina. Sinalubong sila nang mas malamig na hangin galing sa loob. The air conditioners were working perfectly as if the world didn't end a moment ago.




Nakahilera sa gitna ng maluwang na espasyo ang mga istante kung saan nakasalansan ang kung anu-anong bilihin. Nasa gilid naman ang bakanteng store counter na may cash register.




"Titingin-tingin lang ako, Aaren," paalam ni Tsarina na naggagala na ang mga mata.




"'Wag ka masyadong lalayo." Iyon lang at mabilis na 'tong nawala sa tabi niya.





Aaren's eyes explored for a bit before he picked up the closest thing on the shelf standing from his right. The canned good clutched in his hand is same as any canned product in any common convenience store. Maliban sa price tag. ✴50 was written instead of the price in peso. The same symbol as chaosphere.




"May hinahanap po ba kayo, sir?"





Muntik niya nang mabitiwan ang de-lata dahil sa boses na narinig. Napatingin siya sa babaeng naglalakad papunta sa store counter na mukhang nanggaling sa stock room. Nakangiti 'to, nakasuot ng itim na cap at uniform ng convenience store.

Exordium: God Is A Gamer (Mild R-18)Where stories live. Discover now