Chapter 5: Exordium

533 39 5
                                    

Chapter V
Humanity's Price to Pay



DIRETSO lang sa paglalakad si Tsarina nang bigla na lang maghubad ng damit si Aaren saktong marating nila ang tapat ng Square One.



“B-bakit ka—a-aray.” Nahimas niya ang noo pagkatapos mabangga sa salaming pinto. Naiwan kasi ang mga mata niya sa nakabalandrang katawan ng kasama.




Aaren's lean muscles were shaped in the proper places. Not so bulky. Just right. Maybe his built is one of the reasons why he was able to fend against the strength of the wild boar awhile ago.



Ipinunas ni Aaren ang parte ng hinubad na damit na walang bahid ng dugo sa mukha niya bago 'yon itinapon sa naroong trash can. He didn't realize that his face is fully masked in blood until he saw his own reflection on the glass door. Oblivious to how Tsarina's gawking at him, he opened the door for her.




Patay-malisya nang pumasok si Tsarina pagkatapos alisin ang paningin sa hubad na katawan ng katabi. Nakakailang hakbang pa lang siya nang napatigil sa kinatatayuan. May babae kasing kaharap ang cashier.




Gaya nila, gulat din 'tong makita sila. Pero mas nakatutok ang mga mata nito kay Aaren. Gano'n din si Aaren dito.




Nang matitigang mabuti ang babae, namukhaan 'to ni Tsarina. Nadaanan niya dati sa hallway ng university ang picture nito. Sa bulletin board ng kung anong college. A face like hers, that's uniquely beautiful is hard to forget. Hindi niya nga lang maalala ang pangalan nito.




“Schoolmate natin 'yan. Dean's lister last sem.” Pagkatapos ibulong 'yon ni Tsarina, nangunot na lang ang noo ni Aaren. The almost naked girl he saw jump out of the window a few hours ago was a dean's lister.




Naunang nagbawi ng tingin sa kanila ang babae. “Wala man lang bang clue kung ano exactly ang kapalit?” tanong na nito sa cashier.



Magkakatulad sila ng pinoproblema.



Nang iling lang ang isinagot sa kanya ng kausap, dismayado nitong hinarap ang pinto. Padaan na 'to sa harap nila nang hawakan ni Aaren sa braso na ikinagulat nito pati na ni Tsarina.




"May ibabayad na kami, Celest."




Hindi pa nga nakakabawi sa nangyayari, lalong napanganga si Tsarina sa narinig galing sa kasama. Ano'ng ibabayad nila?




“Pwede ba siyang makinig lang?” Hinging permiso pa nito sa cashier para sa babaeng kapit niya pa rin sa braso.




“Kayo po ang bahala, sir.”




“And you're helping me because?” Sarcastic na nga ang tono ng babae, tinaasan pa niya ng kilay si Aaren.

Exordium: God Is A Gamer (Mild R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon