A Mother's Wish

541 38 14
                                    

Hi guys! First things first...

Happy Aldub Anniversary and Weeksary!❤️

I know this is a long overdue update kaya I want to ask for an apology sa lahat po ng nandito pa rin (kung meron man) at patuloy na naghihintay ng update. Pasensya na po kayo. The last two years have been pretty rough for me and my family with the loss of two important persons in our lives. The pain still lingers pero ganun talaga. We learn to move on with their wonderful memories kept in our hearts.

Anyway, this is just a short update. The draft has been sitting in my laptop for a few months pero recently ko lang talaga nagawan ng paraan matapos. Sana po magustuhan niyo. Please let me know your thoughts.

Xoxo,
tinkybella16
**************************************************

There was an awkward silence that suddenly enveloped the dining area as soon as RJ and Ricci left the house. Mommy Rosemary was just eyeing Nicky as they both clean up the table. Hindi niya mawari kung paano sisimulan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.

Nicki, on the other hand, was silently picking up the plates and utensils even as she felt her heart constrict. Hindi niya rin alam kung bakit pero parang bigla siyang kinabahan na maiwan kasama ang mama ni RJ. Nevertheless, she set aside this feeling and went on to wash the dishes.

"Nicki, iha, ako na dyan. Bisita ka namin dito ngayon."

Ay tita, ok lang po. Konti lang naman po ito eh.

"Naku, iha ako na lang at baka mapagalitan pa ako ni RJ. Samahan mo na lang ako dito at kwentuhan mo ako habang naghuhugas ako ng mga pinggan."

Mommy Rosemary insisted as she got the sponge from Nicki and asked her to move to the side. Umurong naman agad si Nicki at hindi na nagpumilit.

"Magkwento ka na lang. Paano nga kayo nagkakilala ni Ricardo ko?"

Uhm, sa Boracay po kami nagmeet. Doon po kasi yung volleyball tournament na sinalihan namin ng team ko. Nagkataon po na nandoon din po siya nung time na yun.

"Ay oo, nandoon nga siya sa Boracay nitong bakasyon. Nagpart-time lifeguard para dun sa resort ng tito niya, kapatid ng daddy niya. Yun kasi ang nagpapaaral sa kanya ngayon. Kung tutuusin nga hindi naman niya kailangan magsilbi sa kanila kasi pag-aaralin naman siya ng walang kapalit. Kaya lang mapilit itong anak ko. Ma-pride kasi yan. Ayaw niya nga sanang tumanggap ng kahit anong tulong mula sa pamilya ng tatay niya..."

Alam naman ni Nicki kung gaano kataas ang pride ng kasintahan. Sa gastos nga lang tuwing umaalis sila, hindi talaga pumapayag si RJ na hindi siya ang magbayad. Kasi siya daw ang lalake. Kaya madalas din nila yun pagtalunan. Pero hindi niya alam na ganun pala ang sitwasyon ni RJ. Parang hindi pa kasi nila napagkwentuhan sa ilang buwan nilang pagkakakilala. Nagpatuloy ng kwento ang Mama ni RJ habang mataman lang siyang nakikinig dito.

"Kaya lang nung magtapos siya ng hayskul, sinabi ko sa kanya na baka hindi ko na kayanin ang pag-aralin siya sa kolehiyo. Nagtitinda-tinda lang kasi ako ng kung anu-ano. Binibili ko sa Divisoria tapos binebenta ko sa mga kakilala. Kaya ayun. Nung una naghanap siya ng trabaho para makapag-ipon kaso nagkasunod-sunod ang problema. Nagkasakit itong si Ricci kaya yung ipon niya doon na napunta tapos ay pinalayas kami sa dati naming tinutuluyan. Hindi rin siya nakakapasok sa trabaho niya dahil sa mga nangyari kaya nawalan siya ng trabaho. Awang-awa ako sa mga anak ko nun, lalo na kay RJ kasi alam ko gusto niya talagang makatapos. Mabuti na lang at mabait ang Diyos. Dumating ang pinsan niyang si Joshua galing US at nagdecide na dito na mag-aral. Siya ang nagkumbinsi kay RJ na sa iisang eskwela sila pumasok. Ayaw pa sana ni RJ kaya lang gusto niya talagang makatapos ng pag-aaral kaya ayan, tinanggap niya yung alok pero ang sabi niya magsisilbi siya sa kanila tuwing bakasyon kapalit ng pampaaral sa kanya. Ayaw niya kasi talaga magkaroon ng utang na loob sa pamilya ng tatay niya. Hindi ba niya nakwento sayo yun?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KismetWhere stories live. Discover now