Kung sakaling mamahalin ko si Chace, gustong mahalin ko siya dahil mahal ko talaga siya at hindi dahil nangungulila lang ako kay Hero. Ngayon, I have Hero's blessing. Talagang nagparamdam pa siya sa panaginip ko. Pero may isa lang akong tanong...

"Tatlong taon na ang lumipas, hindi kaya nainip na siya?"

Chace's POV

Nandito ako sa café na pagmamay-ari ni Gray, kasama ko rin sila Chen at Deo. Madalas ko pa ring makasama etong mga eto, hanggang ngayon nga ay kaklase ko pa rin si Chen at Deo eh.

"Hoy Chace, nandito ka na naman para maki-wifi eh. Umorder ka kaya" reklamo ni Gray habang tumabi siya sa amin.

"Umorder naman etong dalawang kasama ko eh, at alam mo naman na wifi lang talaga habol ko dito" sagot ko sa kanya habang patuloy akong nagscro-scroll sa cellphone ko.

"Palibhasa kasi tinitingnan na naman 'yung mga pictures ni Key sa instagram" biro naman ni Chen saka sila nagtawanan.

Tiningnan ko naman sila ng masama, kahit na totoo yung sinabi ni Chen. Mahal ko pa rin si Key, sabi ko naman sa kanya na maghihintay ako di ba? Kaya naman talagang paninindigan ko yun. Ang kaso nga lang, baka hindi dumating yung time na makamove-on siya.

Araw-araw na nga akong nagpupunta kay Hero, sinasabihan ko siya palagi na pagsabihan man lang si Key na bigyan ako ng pagkakataon. Ewan ko lang kung naririnig ako ni Hero, baka masyadong nage-enjoy yun sa pahinga niya.

Yung unang mga buwan na wala si Key ay yung pinakamahirap para sa akin. Medyo depressed ako dahil umalis nga siya tapos isama na rin na kamamatay pa lang ni Hero. Pero naging okay rin naman, pero hindi nabago 'yung nararamdaman ko kay Key.

Sinubukan ulit akong hatakin nila Chen na makipagmeet ulit sa ibang mga babae pero di na ako pumayag. May iniintay nga ako at paninindigan ko talaga yun.

"Sinabi ba ni Key kung kelan na siya uuwi?" tanong ko kay Gray.

Sa aming lahat kasi, si Gray talaga ang pinakamadalas niyang makausap. Kung hindi si Gray ay si Audrey. Hanggang musta lang naman kami ni Key eh, wala naman akong ibang matatanong sa kanya. Alangan namang tanungin ko siya kung nakamove on na siya. Mas okay na sa akin yung nakikita kong okay siya... kahit na nagmumukha na akong lovesick na stalker niya.

"Hindi, at nag-aaral siya doon eh. Malay mo doon na rin niya tapusin yung college niya?" sagot naman ni Gray.

"Two more years Chace, kaya mo pa?" tanong ni Deo.

"Kahit na sampung taon pa kakayanin ko. Ano akala niyo sa akin?" sagot ko naman sa kanila.

"Pero Chace, tutal bakasyon niyo naman ngayon... Gusto mong umalis muna?" tanong ni Gray sa akin.

"Wala akong oras para umalis, kita mong iniintay ko nga si Key eh" nabatukan naman ako bigla ni Deo.

"Ang tanga mo rin no? Kung ako sayo oo ang isasagot ko" natawa sila parehas ni Chen.

Napangiti na naman ako, ang slow ko talaga. "Depende Gray, saan ba pupunta?" tanong ko sa kanya.

Key's POV

Isang linggo na simula nung napaginipan ko si Hero. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin yun eh. All this time, hindi kaya ang iniintay ko lang ay yung blessing ni Hero? Hanggang ngayon ba naman malilito pa rin ako?

Fools in Love [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz