Legend 114: "Ayu's Special Gift"

283 12 0
                                    

A/N: Sorry sa mga typos hahaha tamad ko talagang mag-edit. Basta type lang ako ng type. Sorry din sa slow update. :) May picture pala si Ayu sa multimedia section. :)

***


[Continuation of hypnosis nina Hiro at Ishi.]

~Shouko's POV~

Dahil sa aking pagdadalang tao ay pinapunta ni Satoshi ang aking ina dito sa palasyo upang ako ay maalagaan. Mahigpit niyang bilin na huwag akong pababayaan lalo na ang aming magiging anak. Sa mga panahon na lumalaki ang aking sinapupunan ay hindi man lang ako naaalagaan ni Satoshi kahit minsan.

Naiisip ko tuloy na kung si Ojiro lang ang aking napangasawa, araw-araw ay aalagaan niya ako. Hindi niya ako pababayaan na mag-isang natutulog sa aming silid. Palagi niya siguro akong niyayakap.

Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan habang naiisip ang mga bagay na iyon. Bigla akong napaluha. Sobra akong nangungulila kay Ojiro.

Mula sa bintana ay natatanaw ko si Ojiro na nagsasanay kasama ang kanyang mga kasamahan. Sa malayo ko nalang siya nakikita. Hindi ko siya maaaring lapitan. Hindi ko siya maaaring kausapin. Nasa iisang lugar nga kami ngunit tila napakalayo niya sa akin. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakakausap—at ang huli naming pag-uusap ay nung hapon na malakas ang ulan.

"Ojiro..." bulong ko.

"Masama sa kalusugan mo ang pag-iyak, anak." Sabi ng aking ina.

Napalingon ako sa kinaroroonan ng aking ina. Nilapitan naman niya ako at hinagod ang aking likuran.

"Malaki na ang tiyan mo at nalalapit na ang panganganak mo kaya't kinakailangan mong pakaingatan ang sarili mo, anak. Tuwing nakikita mo si Ojiro ay umiiyak ka ng ganyan."

Isinara naman ng aking ina ang bintana at inakay ako palayo. Ang ina ko na mismo ang nag-iiwas sa akin kay Ojiro sapagkat alam niyang malulungkot lamang ako kapag nakikita siya.

"Inihanda ko na ang pagkain mo. Isusunod ni Saori ang halamang gamot na kailangan mo para sa panganganak mo." Sabi pa niya sa akin.

"Salamat, ina." Sabi ko habang dahan dahan akong umupo. Hindi mawala sa isip ko si Ojiro noon pa man.

"Iwasan mo na si Ojiro, anak. Hindi makakabuti sa imahe mo bilang reyna ang palaging pagbanggit sa kanyang pangalan. Lalo na ngayon na dinadala mo ang tagapagmana sa trono. Mag-iingat ka sa mga ikinikilos mo, Shouko."

"O-Opo."

Hindi alam ng aking ina ang nangyari sa amin ni Ojiro noon kaya't buo sa kanyang palagay na si Satoshi ang ama ng aking magiging anak.

Maging ako ay hindi na rin sigurado kung sino nga sa kanilang dalawa. Minsan ay ayoko ng isipin pa ang bagay na ito. Pero dahil sa walang pakialam sa akin ang Kamahalan, madalas akong makaramdam ng kalungkutan. Kapag pala nagdadalang tao ka ay nagiging emosyonal ka. Mabuti na lamang at kasama ko dito sa palasyo ang aking ina at si Saori.

"Ina, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa akin." Sabi ko. "Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kung wala ka sa aking tabi."

Napatigil naman sa pag-aasikaso sa akin ang aking ina at hinawakan ang aking kamay.

"Shouko, anak. Alam kong hindi ka masaya dito sa loob ng palasyo. Nararamdaman ko rin ang mga paghihirap mo dito. Nakikita ko minsan ang pambabaliwala ng Kamahalan sa'yo. Gusto ko mang bawiin ka na, pero wala akong magagawa. Ikaw na ang ina ng bansang ito. Ikaw na ang reyna. Pag-aari ka na ng pamilyang ito."

Sa pagkakataong yun ay niyakap ko ang aking ina.

"Ina. Ibalik mo na ako sa bahay natin..." Naghihinagpis ang aking kalooban.

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Where stories live. Discover now