Legend 137: "Prime Minister's Daughter"

135 5 0
                                    

[March 2008, Spring]

~Yoichiro's POV~

"You're still up? Masyado ng gabi, Yoichiro. You need to sleep." Sabi ng Emperor nang bisitahin niya ko sa loob ng room ko.

"No, Papa. I need to read this. I am eager to learn para naman hindi ka na laging nakadepende kay Yukino..." I said. I am currently reading yung mga responsibilities ko as a Crown Prince. Ako ang inatasan ng Emperor na maging representative ng Japan para sa World Youth Organization at ng Red Cross. Mamaya ay uumpisahan ko na ring gumawa ng opening speech para sa event bukas.

Umupo ang Emperor sa harapan ng study table ko. "Anak, you don't have to compete with Yukino. Pinsan mo siya kaya naman tumutulong lang siya sa pamilya natin. I admit na madalas sa kanya ako nagpapatulong but it doesn't mean na mas nakadepende ako sa kanya."

"I know. Pero iba ang pakiramdam ko. Para akong nawalan ng lugar as Crown Prince. Kaya I'm doing my best."

Bigla namang hinaplos ng tatay ko yung ulo ko. "I'm glad, anak. Pero eto tatandaan mo, you are the only Crown Prince in this country. Walang makakapalit sa'yo, Yoichiro."

Napangiti ako sa Emperor. "I will make you proud, Papa."

Tumayo mula sa pagkakaupo ang Emperor at napangiti na rin "You better rest after reading, okay? Bukas na ang official duty mo kaya huwag ka masyadong magpuyat."

Tumango ako. Matapos nun ay iniwanan na ako ng Emperor.

Huminga ako ng malalim. I know na kailangan kong panindigan 'to bilang Crown Prince. Kailangan kong pagsabayin ang home schooling ko at ang mga responsibilities ko. Pinipilit kong kalimutan si Yashiri kaya nagpapakabusy ako. Pero minsan talaga, sumasagi pa rin siya sa isip ko lalo na kapag mag-isa nalang ako dito sa kwarto. Kinalimutan ko ang pag-ibig para dito.

Isang buwan na ang lumipas. Tapos na rin siguro ang spring break nila at bukas, pasukan na sa Seinan. Siguradong magugulat ang lahat sa announcement bukas sa University.

***

Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda sa first day ng official duty ko as Crown Prince. Pumunta kami sa Mori Hotel kung saan gaganapin ang presscon about sa pagiging representative ko ng Japan for WYO (World Youth Organization) at ng Red Cross.

"Bakit marami atang pulis sa paligid?" tanong ko sa personal bodyguard ko nang makapasok kami ng hotel.

"Bukod po kasi sa inyo, marami pang darating na VIP's, Crown Prince. Isa na po dun si Ms. Kimiko Aoki."

"Sino naman yun?"

"Nag-iisang anak po siya ng Prime Minister. Kailan lang po ay may kidnapping attempt po sa kanya kaya maraming pulis sa paligid to protect everyone po."

"Ah, I see. Ano naman ang role niya sa event na 'to?"

"Hindi ko pa po alam, Your Highness.."

Nang makapasok na kami sa loob ng venue ay agad namang nagsitayo ang lahat upang magbigay galang sa akin. Panay media rin ang nakikita ko sa paligid. Agad akong pinaupo ng mga organizers sa stage, katabi ko ay isang magandang babae. Mukhang kasing edad ko siya, pero halatang hindi siya interesado sa mga nangyayari.

Ipinakilala kami isa-isa ng host. At nalaman ko kung sino ang katabi ko. Siya pala si Kimiko Aoki. Nalaman kong isa rin pala siya sa napiling representative at magiging katrabaho ko siya sa mga out of the country projects. Nakipagkamay ako sa kanya.

"Hi, nice to meet you, Ms. Aoki. Hoping na maging maayos ang samahan natin bilang representatives." Sabi ko.

Nakipagkamay rin naman siya. Pero wala siyang sinabi.

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon