Legend 113: "Blessed Rain"

272 12 5
                                    

~Shouko's POV~

 

"Napakalakas ng ulan..." sabi ko habang nakatanaw sa bintana. Malalaki ang patak ng ulan at unti-unting lumalakas ang hangin sa labas. Nakita ko mula sa aking silid ang pagkakagulo ng mga tauhan sa palasyo dahil sa biglaang pag-ulan.

"Oo nga. Marahil ay may paparating na bagyo, Empress Shouko." Sabi ni Saori. Nilapitan niya ko at nilagyan ng balabal ang aking balikat.

"Baka ka malamigan." Sabi pa ni Saori.

Nginitian ko siya. "Salamat, Saori."

"Nagustuhan mo ba ang bago mong silid?" tanong sa akin ni Saori.

"Mas gusto ko na ito kaysa makasama sa iisang silid ang Emperador."

"Bakit ba kayo naghiwalay ng silid?"

"Dahil nagdadalang tao raw ako. Mas mabuti na raw na nakahiwalay ako sa kanya para makapagpahinga ako ng maayos."

"A-Anong ibig sabihin ng Emperador? Ayaw k aba niyang makasama sa iisang silid?"

"Marahil ay kinamumuhian niya ako—dahil sa pagkakaalam niya'y hindi na ko birhen. O marahil ay para makasama kita dito sa silid upang matutukan ang pag-aalaga sa akin."

"Marahil ay yun na nga ang dahilan niya."

"Siguro nga." Napatingin ako sa mukha ng aking kaibigan. Napakaganda ni Saori ngunit iniaalay na niya ang buhay niya sa akin. Sayang, maaari pa naman siyang makapag-asawa.

"Saori, hindi mo ba naisip na iwanan nalang ako?" bigla kong tanong sa kanya.

"Ano ang ibig mong ipahiwatig, Empress Shouko?"

"Sayang kasi ang ganda mo. Wala bang nagpapahiwatig ng pag-ibig sa'yo?" Tanong ko habnag magiliw na nangiti sa kanya.

"Hindi kita iiwanan kahit na anong mangyari."

"Ngunit nasasayang ang buhay mo dito. Hay, mas ibig ko pang bumalik sa dati kong buhay—sa dati nating buhay kung saan malaya kong nakakasama si Ojiro. Kung hindi lang sana niya nakilala ang Emperador, marahil ay kasal na kami ni Ojiro sa panahong ito. Hindi ba, Saori?"

Ngunit tila seryoso ang itsura ni Saori. Para siyang may pinoproblema.

"May problema ba?" tanong ko kay Saori. "Parang may mabigat kang iniisip na problema, Saori."

"Kamahalan, patawarin niyo po ako." Sabi nito sa akin na tila naiiyak na.

"B-Bakit? May nagawa ka bang mali?"

Hindi makatingin sa akin si Saori. Kilala ko ang kaibigan kong ito—may nagawa siyang paniguradong hindi ko magugustuhan.

"Saori? Sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa." Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Saori—dahilan upang mapatingin siya sa aking mukha.

"Patawad, Kamahalan. Si Ojiro kasi...uh..."

"Ano ang nangyari kay Ojiro???" Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang pangalan ng lalaking iniibig ko ng lubos.

"Tinatanong niya kasi ako kung siya ba ang ama ng iyong dinadala. Masayang masaya siya dahil nagdadalang tao ka."

"A-Anong sinabi mo sa kanya?"

"Ayoko lang na mapahamak ka—maging siya ay ayokong mapahamak. Kaya naman dahil hindi rin naman tayo sigurado kung sino talaga, sinabi ko nalang na ang Emperador ang ama at hindi siya."

Nanlumo bigla ang akin mga tuhod kaya naman umupo ako agad sa upuan na malapit sa akin.

"Ayos ka lang ba, Empress Shouko?"

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon