Legend 132: "Let's Keep It Hidden"

141 10 0
                                    

~Yashiri's POV~

"Yashiri, ayos ka lang ba?" tanong ni Ate Fujiko nang puntahan nila ako matapos makaalis ni Crown Prince Yoichiro. Kasunod niya sina Hiro at Kenji.

Napaharap naman ako sa kanila at tumango. " Okay naman ako."

"Ano'ng ginawa sa'yo ng prinsipe na 'yun ah? Bakit parang napakaseryoso ng pinag-usapan niyo at bawal makapasok ang kahit na sino kahit ako?" tanong naman ni Hiro.

Huminga ako ng malalim at nilapitan ko si Hiro. "The Crown Prince sets me free, Hiro. Sinabi niya lang sa akin na he will just focus on being a Crown Prince."

"You mean to say, hindi ka na niya guguluhin?" sabi naman ni Hiro.

Tumango naman ako. Nakita ko naman ang pagngiti ni Hiro. Bigla niya akong niyakap.

"That's good to hear. Mabuti namang alam na niya finally na wala na talaga siyang pag-asa sa'yo." Sabi ni Hiro. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit.

"Mabuti nalang naisip yun ng Crown Prince. Magiging tahimik na rin sa wakas kayong dalawa." Sabi naman ni Ate Fujiko.

Napaharap kami ni Hiro kina Ate Fujiko at Kenji.

"Eh kayo ba? Kailan ba kayo matatahimik na dalawa?" tanong ni Hiro.

"Tama. Wala ba kayong gagawin para makawala na si Kenji kay Sayuri?" sabi ko naman.

Nagkatinginan naman sina Kenji at Ate Fujiko.

"Alam naman namin yun. Hindi lang talaga madali ang sitwasyon namin ngayon." Sabi ni Kenji.

"Hindi naman din ako papayag na palagi kaming patago kung magkita ni Kenji. Na parang ako pa yung third party." Sabi naman ni Ate Fujiko.

Biglang hinawakan ni Ate Fujiko ang isang kamay ni Kenji. "I will protect you, Kenji."

Namula naman yung mukha ni Kenji. Halatang nagulat sa mga sinabi ni Ate Fujiko.

"H-Hindi ba dapat ako magsabi niyan sa'yo?" sabi ni Kenji.

Binulungan naman ako ni Hiro. Ang sabi niya, mabuti pang iwan na namin sina Ate Fujiko at Kenji. Napangiti naman ako at tumango. Hindi na namin pinaalam na umalis na kami. Pumunta nalang kami sa dance floor ni Hiro at nagsimulang magsayaw.

***

~Kenji's POV~

"I will protect you, Kenji."

Namula naman yung mukha ko dahil sa sinabi ni Fujiko. Mahigpit pa niyang hawak yung kaliwang kamay ko.

"H-Hindi ba dapat ako magsabi niyan sa'yo?" sabi ko.

"I know that you want to protect me pero you also want to protect Sayuri's feelings. Mahirap para sa'yo yung sitwasyon."

Napansin kong unti-unti namang naglalakad palayo sina Hiroshi at Yashiri. Mukhang nakaramdam sila na kailangan namin ng moment ni Fujiko ngayon. Muli akong napatingin sa mukha ni Fujiko. Hinawakan ko yung kanang pisngi niya. Seryoso naman siyang nakatitig sa mga mata ko.

"But when I have to choose between you and Sayuri, of course, ikaw ang pipiliin kong protektahan. Hindi ako papayag na saktan ka niya."

"K-Kenji..."

Ibinaba ko ang kamay ko mula sa mukha ni Fujiko. Hinawakan ko naman ang magkabila niyang balikat. "Now, tell me. Ano'ng gusto mong gawin ko?"

Huminga ng malalim si Fujiko. "Gusto kong ipaglaban mo ko sa mga magulang mo. Make them realize that Sayuri is insane."

Alam kong nababaliw na si Sayuri. Pero matatanggap kaya nina Mama kapag nalaman nilang masasaktan si Sayuri nang dahil sa existence ni Fujiko?

Kailangan kong ipainuwa sa kanila na mali na ang ginagawa nilang pagtotolerate sa mga ginagawa ni Sayuri. Kailangan nilang maisip na Sayuri is not my sister Kumiko.

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon