Legend 128: "Lover's Quarrel"

259 12 0
                                    

~Hiroshi's POV~

"As a summary, lumaki ang kita ng Ueda Publishing ng 10 percent after maging CEO ni Mr. Hiroshi Ueda. Thanks to his leadership, nagkaroon ng innovation ang company." Sabi ng isang manager habang pinapakita niya sa board of directors ang chart ng sales ng Ueda Publishing.

Biglang nagpalakpakan yung members ng board. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Daddy at bigla siyang nag thumbs-up sa akin. I smiled.

Tumayo ako at nag bow sa lahat. Nagpasalamat ako sa mga taong tumulong sa akin habang ako yung CEO. Nilapitan naman ako isa-isa ng members and they congratulate me.

"Congratulations, son. You make me very proud." Sabi ni Daddy nang malapitan niya ko. Inakbayan niya ko habang naglalakad kami palabas ng conference room.

"Thanks, Dad."

"You see, we will have a dinner with the board members tonight. Why don't you join us?"

Nakarating na kami sa tapat ng elevator.

"Sorry, Dad. I have a date with my fiancée tonight. Actually, I'm about to fetch her. Uwian niya today is five in the afternoon."

"Is that so? Well, wala pala akong magagawa kapag si Yashiri na ang usapan. She's more importatnt to you than anything else in this world." Natatawang sabi ni Daddy. Napangiti nalang ako.

After ng ilang minutes ay bumukas na yung elevator.

"I'll go ahead, Dad. Next time, I'll join you with the board members."

"Sure. Enjoy, hijo."

"We will. Bye, Dad." Pumasok na ako sa loob ng elevator at pababa na ito sa ground floor.

Nang makarating ako sa ground floor, nakita ko si Kenji na nagyoyosi sa labas ng building namin. Pinuntahan ko naman siya.

"Ken..." sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Humarap naman siya sa akin.

"Kumusta meeting?" tanong ni Kenji.

"So far, so good." Nakangiti kong sabi. Inabutan naman ako ng yosi ni Kenji. Tinanggihan ko siya.

"Ayokong mag-amoy yosi. Magkikita kami ni Ishi mamaya."

"I see. Magkikita pala kayo ng syota mo."

"Correction. Fiancee.."

Bumuga naman ng usok si Kenji. Halatang balisa siya.

"Mukhang worried ka? What's wrong?" tanong ko.

Huminga ng malalim si Kenji. "Babalik na sa Shibuya si Fujiko this coming week. Hindi na niya gusto na umaaligid sa akin si Sayuri kaya she will make an action na daw."

"Eh di mabuti. Ayaw mo ba nun? Di ba nga dapat ikaw ang gumawa ng aksyon at hindi si Fujiko?"

"Kinakabahan ako. Hindi niya kasi sinasabi sa akin kung ano yung gagawin niya. Ayokong may mangyaring masama kay Fujiko. Alam mo yun."

"Yun lang. Bakit ayaw sabihin ni Fujiko sa'yo?"

"Pinag-awayan na nga namin kagabi yun habang kausap ko siya sa cellphone. Pinipilit ko siyang sabihin niya sa akin pero ayaw niya talaga. Mabuti nalang tulog na si Sayuri kagabi at hindi niya narinig yung usapan namin."

"Mahirap yan. Pero feeling ko, hindi naman gagawa ng aksyon si Fujiko na ikakapahamak niyong dalawa. Kahit ganun yun, may utak at common sense din naman si Fujiko."

Biglang natawa si Kenji. "Kahit ganun yun, ganun pa rin yun."

"Kaya mo yan. Basta huwag mong hahayaan na saktan ng praning mong adopted sister si Fujiko."

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Where stories live. Discover now