Legend 139: Treason

175 4 11
                                    

~Yoichiro's POV~

Matapos kong magpaalam kay Koeda-sensei ay agad akong sinalubong ng isa sa mga tauhan ng Emperor. Putlang putla ang mukha nito.

"K-Kamahalan..." tawag nito sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad. "What is it?"

"P-Pinapatawag po kayo ni Emperor Yamada."

"Ngayon na ba? May meeting kasi ako with Red Cross eh."

"O-Opo. Ngayon na po mismo. Ako nalang po magsasabi sa staff niyo na mahuhuli kayo sa meeting."

It seems like serious ang dahilan kung bakit ako pinapatawag ni Papa. Bihira kasi na istorbohin niya ang mga lakad ko matapos kong maging representative ng Red Cross at World Youth Organization.

"Okay. Ikaw nalang ang bahala sa pagsabi sa kanila."

"Opo. Tayo na po. Sumunod nalang po kayo sa akin, Kamahalan."

Sumunod naman ako sa tauhan ng Emperor hanggang sa makapasok kami sa malaking opisina nito. Nasa loob ng opisina ng Emperor ang head ng kanyang mga advisers, ang Prime Minister, si Yukino at ang Empress.

"Mabuti at nandito ka na Crown Prince. Maupo ka rito sa tabi ko." Sabi ng Emperor.

Mukhang seryoso ang lahat sa loob ng opisina. Agad naman akong naupo sa tabi ng Emperor. Sa harap ko ay ang Empress at katabi naman niya si Yukino.

"What's going on?" tanong ko sa Emperor.

Huminga nang malalim ang Emperor. Napansin ko naman ang laptop sa harapan niya. Iniharap niya sa akin ang laptop at may ipinakita siya sa akin na website.

Naguguluhan akong tinignan yung website at laking gulat ko sa mga nakasulat doon.

'THEY ARE KILLED BY THE IMPERIAL FAMILY!'

'IMPERIAL FAMILY ARE KILLERS!'

"What is the meaning of this, Your Highness?" sabi ko. "Sino'ng gumawa nito?"

"Lumabas ang website na yan kanina, Yoichiro." Sabi ng Emperor.

"Sino ba ang mga ito?" sabi ko na tinutukoy ko ay ang mga portrait sa website.

Umiling naman ang Empress. "Hindi pa namin sila kilala. Sa ngayon ay pag-uusapan pa natin ang dapat na gawin."

"Dapat ay maipatanggal natin ang website. Isa itong malaking kasiraan sa Imperial Family." Sabi ng Emperor.

"Prime Minister Aoki, kailangan nating madaliin ang pag-track kung sino ang creator ng website." Sabi ko.

"Yes, Your Highness. Iuutos ko ito agad." Sagot ng Prime Minister.

Muli akong napatingin sa Papa ko. Halatang galit na galit siya pero pinipigilan lang niya. Pero nabigla kaming lahat nang bigla niyang hampasin ang table.

"Kung sino man ang may kagagawan nito ay malalagot!" sabi ng Emperor.

"Your Majesty...calm down." Sabi naman ni Mama.

"Hindi ako mapapakali hangga't hindi nawawala ang website na yan! Hangga't hindi nahuhuli ang gumawa niyan!" sigaw ng Emperor. "Hindi mamamatay tao ang mga ninuno namin!"

"Sa tingin ko, we need to know kung sino ang mga taong 'to sa website." Sabi ko.

"Tama. At kung sino man ang mga yun ay ipahanap niyo ang family genealogy ng mga yun. Siguradong they have the motives to do the website. Ipatawag ang mga magagaling na historians! Hanapin ang identity ng mga yan!" utos ng Emperor.

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon