Legend 105: "Kenji's Past"

487 25 13
                                    

~Hiroshi's POV~

 

 

 

"We better go back. Aalis na tayo mamaya. I'm sorry kung kailangan mong hindi pumasok sa school ngayon."

Lunes na kasi ngayon at dahil napasarap ang bakasyon namin dito sa Fukui ay minabuti na ni Ishi na hindi pumasok ngayong araw.

"Okay lang. I'm sure tutulungan naman ako ng mga classmates ko sa mga lessons eh." Sabi ni Ishi. Mula sa pagkakaupo namin sa buhanginan ay tinulungan kong makatayo si Ishi. Pinagpagan naman niya yung laylayan ng dress niya dahil panay buhangin ito.

Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa bahay nina Fujiko.

***

"Kanina ko pa kayo hinihintay..." salubong sa amin ni Auntie Mei.

"Bakit po? Hinahanap na po ba kami ni Elder?" sabi ko.

"Hindi naman pero pwede niyo bang puntahan muna si Fujiko? Nag-eemo na naman kasi eh."

"Huh? Anong nangyari kay Ate Fujiko?" tanong ni Ishi.

"Nasa may garden siya...sige na puntahan niyo na siya bago man lang kayo makauwing dalawa. Aayusin ko lang yung mga pagkain na pwede niyong ipasalubong sa mga pamilya niyo."

Matapos nun ay pinuntahan nga namin si Fujiko sa may garden. Nakasalampak siya sa damuhan sa ilalim ng puno.

"Fujiko..." sabi ko. Umangat naman siya ng tingin sa amin.

"Ang ganda naman ng roses na hawak mo, Ate Fujiko." Sabi ni Ishi. "Sino nagbigay sa'yo?"

"Si Kenji." Simple niyang sagot. Parang ang tamlay niya  ngayon. Umupo naman kami sa harapan niya.

"Whoa? Si Ken? Wow ha! Umeeffort lalo si Kenji! Eh nasaan na siya?" sabi ko naman.

"Nauna na siyang umalis sa inyo. Nagmamadali nga eh. One hour ago na siyang nakaalis."

"What?? Umalis na si Kenji? Grabe naman kung mang-iwan yun!" sabi ni Ishi.

"Hay..." Ang lalim ng buntong hininga ni Fujiko. Bakit kaya?

"Hiroshi. Matagal tagal ko na rin kayong kasama. Kayong tatlo nina Yashiri at Kenji. Pero ngayon ko lang naiisip, hindi ko pala gaanong kilala si Kenji. Hindi ko alam ang nakaraan niya."

"What do you mean?"

"Kanina kasi sobrang saya ko. Alam mo yung magical moment? Sobrang kilig na kilig ako kanina dahil sa kaibigan mo. Pero..."

"Pero?" sabi ni Ishi.

"Pero naudlot yun eh."

"Naudlot dahil?" tanong ko naman.

"May tumawag sa cellphone niya. Halata namang nainis siya dun sa tumawag. Alam ko balak niyang patayin yung phone niya nun pero nung makita niya yung pangalan nung tumatawag sa kanya, nanlaki nalang mga mata niya tapos lumayo sa akin para sagutin yung tawag. May idea ka ba kung sino yun since matagal na kayong magkaibigan?"

Bigla akong natahimik. May hinala na ako kung sino yung tumawag. Bukod kay Fujiko, may isang tao pa ang nakakapagpatiklop kay Kenji. Huwag mo sabihing, bumalik na siya dito sa Japan?

"Hiroshi? Pwede ko bang malaman?"

"Sa tingin ko dapat si Kenji na magsabi sa'yo tungkol dun, Fujiko."

"Pero bakit?"

"Ito lang masasabi ko. Totoong hindi mo nga alam ang nakaraan ni Kenji, pero mahalaga pa ba yun sa ngayon? Gusto ko lang malaman mo na mahal ka ni Kenji at wala ka dapat na ipangamba. At gusto ko lang sana malaman kung may patutunguhan ba si Kenji sa puso mo?"

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon