Legend 126: "Sunset"

209 13 5
                                    

[March 2008 / Spring]

~Sumire's POV~

Pinapakiramdaman ko yung paa ko habang nakahiga ako sa kama. I can move it slowly, but there's still pain. Pati na rin yung likod ko ay masakit. Sa halos lagpas dalawang buwan ko sa therapy, I can say na nakakatulong din naman ito. Toya makes sure na makakalakad ako. I check on my wheel chair sa tabi ng kama ko. Hanggang kailan ko kaya gagamitin yun?

I really want to walk so that I will no longer be a burden to Toya and to his family. Then I suddenly remembered what Tita Naomi said to me last Valentine's day...

"Hanggang kailan ba magiging makapal yang mukha niyong mag-ina? Mga palamunin kayo dito! When can you realize na hindi ka nababagay sa anak ko? Kung hindi lang dahil kay Toya, malamang matagal na kitang pinalayas sa bahay na 'to."

I closed my eyes. Masakit yung mga sinabi niya nung araw na 'yun. Hindi ko na rin naibigay kay Toya yung ginawa kong chocolate. Tinapon ko nalang yun.

"Sumire?"

Napalingon ako sa pinto dahil sa pagkatok ni Toya. Nabuksan na pala niya ito at nakadungaw na siya sa pinto. Nakangiti siya sa akin.

"Good morning, Toya." Sabi ko habang nakangiti rin sa kanya. As usual, ang gwapo niya talaga. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at isinara yung pinto. Nilapitan naman niya yung kama ko at umupo sa gilid ko. Hinalikan niya ako sa noo ko. Matapos nun ay hinimas niya yung ulo ko.

"Ipapahanda ko na ba yung breakfast mo? Sorry nauna na kong kumain. Maaga kasi class ko ngayon and nung sinilip kita kanina tulog ka pa kaya nauna na ko." Sabi ni Toya. Hininto niya yung paghimas sa ulo ko.

"Okay lang. Uhm, si Mommy ko kaya nasaan?"

"Wala eh. Umalis siya. Ano, gutom ka na ba?"

Umiling ako sabay ngiti. Ayoko ng abalahin pa si Toya. "Hihintayin ko nalang na dumating si Mommy. Sige na, pumasok ka na."

"Are you sure, love?"

My heart skips nang mabanggit niya yung endearment na yun.

"Yes. Hindi pa naman ako gutom eh." Sabi ko.

"Hmmm. Well then, kung nagugutom ka magpasabi ka lang sa maids. I'm off to school." Hinalikan ako ni Toya sa labi ko. Umalis na siya sa kama ko at tumayo.

"Bye, Toya. Have a nice day. I miss Seinan..."

"Makakabalik ka na rin sa school soon, love. Basta magpagaling ka lang."

"Yeah. I will. For you."

Toya smiled and waved his hand. "Bye, love."

He opened the door and left.

Huminga ako ng malalim. I really love Toya. My one and only Toya.

***

Matapos akong dalhan ng pagkain ng maid ay pumasok sa loob ng kwarto ko si Mommy. Halata sa kanyang mukha na natatakot siya.

"S-Sumire...kailangan na nating umalis sa lugar na ito." Agad niyang kinuha ang mga damit ko at isa-isa niya itong ipinatong sa kama ko. Hinanap naman niya yung maleta namin.

"Ha? Pero bakit? Teka saan ka ba galing?" Naguguluhan kong sabi.

"Nakipagkita ako sa isang kaibigan ko. Habang pauwi ako dito ay may nakasunod sa akin. Alam na nila na pinapangalagaan pa rin tayo ng pamilya ni Toya. Akala kasi nila noon umalis na tayo ng Japan." Nauutal si Mommy habang nagsasalita.

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon