Magkaibang Mundo

49 2 0
                                    

Warning : Hi mga readers , paalala ang tulang ito ay tagalog o filipino language at ang inspirasyon ko naman sa tulang ito ay ang akin lalaking minahal sa akin panaginip .

Ikaw yun pinakakaiba sa lahat ng akin  napanaginipan
Ikaw yun panaginip na hindi ko magawa gawang alisin sa isipan
At ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng akin napanaginipan
Simula ng nagkatagpo at nagkita ang atin kaluluwa na tila pinagdikit ng kalawakan
At Nang makita ko ang iyong mata na kasing  ganda ng karagatan
At ang iyong ngiti na kasing liwanag ng sikat ng araw sa kalangitan
At na nagbibigay ng karagdagan kahulugan
Sa buhay ko na walang kabuluhan at puro kalungkutan
At ngayon  sa bawat pagtulog ko ay ayoko ng magising sa katotohanan
Sa katotohanan na hindi ko na makikita ang iyong ngiti na kasing kislap at liwanag ng sikat ng araw  sa kalangitan
Pero mahal Dahil sayo nagkaroon ako ng isa pang pag-asa
Pag-asa na may tyansa pa na pwede pa akong maging tunay na masaya
Mahal sayo ko lang naramdaman muli ang maging masaya
Kahit sa panaginip at  sa mundo lang na iyon ay doon lang kita nakakasama  
Minsan napapaisip ako kung hanggan dito na lang ba tayo
Hanggan dito na lang ba talaga tayo 
At Kung ang magandang panaginip na katulad mo
Ay tinadhana bang ang katulad mo ay mananatili  sa lugar kung saan ikaw ay nabuo .
Naninigbugho at gulong gulo ang puso at isipan ko
Dahil sa mga katanungan na hindi mahanap hanapan ng kasagutan
Kasagutan na tanging ang kapalaran ang makakasagot sa tanong sa akin isipan
Bakit ang magandang panaginip na katulad mo ay wala na ba talagang pag-asa na maging katotohanan .
Katotohanan na kay pait at sakit tanggapin
Na mabuti pa sa akin panaginip
Ay may isang tao na sa akin ay mayroon pagtingin at kaya akong bigyan ng pagmamahal na higit pa sa sapat .
Napakasaklap at mapaglaro talaga ng tadhana
Dahil sa pagdilat ng mga mata ko alam kong hindi ko na makikita ang iyong mukha
Pero sa kabila ng lahat ay nanatili akong umaasa
  na sana ikaw at ako ay magkasama
Araw na   hinangad ko na mangyari na   dumating ang araw na tayo ay  magkasama
At habang hinihintay ang araw na iyon
Ikaw ay akin magiging inspirasyon
at ikaw ang Magiging dahilan ko para hindi mawalan ng gana sa pakikipaglaban
Sa buhay ko na parang laging pinagkakaitan makaranas ng tunay na kaligayahan
Sa buhay ko na makaramdam man ng kaligayahan pero ito ay panandalian lamang
Hindi  ko malilimutan kung paano nagtagpo ang atin mundo
At kung paano mo pinasaya ang puso ko at pinaramdam sa akin na sakin lang umiikot ang iyong mundo
Ang saklap lang dahil kung kailan hulog na hulog na ako sa pinaniwalang totoo lahat 
Saka naman sa isang mabilis na iglap
Mabilis pa sa paglabas ng kidlat
saka naman ako sinampal ng realidad at ginising sa malungkot na katotohanan
na ang lahat ng iyon ay isang  magandang panaginip lamang
At Sa paggising ko sa realidad at sa pagdilat ng akin mata ay unti unti kong naramdaman ko na nadurog ng unti ang puso ko .
Puso ko na  nasasaktan at nadudurog dahil para itong sinaksak ng kutsilyo
Nang dahil  sa labis pangungulilala sayo
Dahil ito ay patuloy na nagdurugo
Sa mga alaala na  iniwan mo sa akin ng nagkahiwalay ang atin mundo
Sa kung paano napawi ng mga yakap mo na humahaplos sa balat ko ang bawat sakit at hapdi ng nararamdaman ng akin puso ko
na sa kung paano mo pinawi ang mga luha sa mga mata ko
At pinalitan ito ng ngiti at saya na kahit kailan ay hindi mapantayan ng iba
At kung paano mo pinadama sa akin ang tunay na kahulugan ng salitang mahal kita

Mahal kita
Yan salitang yan ang tumatak at nagmarka sa akin isipan
Binuhay nitong muli ang puso ko na parang mamatay na sa sobrang kalungkutan
Kaya naman kahit sa panaginip lang kita nakita
Ramda ko na masaya talaga ako lalo na pag kasama kita
Sa paggising ko baon ka ang masasayang alaala na kasama ka
At ang pag-asa sa puso ko na umaasa na
Balang araw ang kaluluwa natin ay pagtatagpuin ng tadhana
At kung hindi man ito mangyari ay patuloy parin akong hihiling sa mga bituin na sana  kung hindi man mangyari ang pagtatagpo natin dalawa
Ay sana makita kitang muli sa akin panaginip
Kahit sa panaginip lang kita makita
Makapiling
At hindi ako magsasawang humiling na mapaginipan ka muli
Ang masasayang alaala na kasama kita ay mananatili 

Kasi alam mo kahit sa panaginip lang tayo nagkatagpo at nagkasama
Ramdam ko na masaya talaga ako kapag  kasama ka

Kaya naman nais kong malaman mo na kahit anong mangyari ay hindi ako magsasawa na hilingin sa kalangitan na
sana  magkatagpo na talaga ang atin  mundo hindi man ngayon pero sana balang araw ay magkita tayo .
at kapag nagkita tayo ay tiyak kong mararamdaman ang pamilyar na pakiramdam ng kilig at saya na naramdaman ko sa iyo nang magtagpo ang atin mundo at sa  pagkakataong iyon ay hindi na kita pakakawalan pa .

Verses of Her Life Where stories live. Discover now