Destinasyon Lamang

12 0 0
                                    


Gusto na kita , miss na kita
mga salitang hindi ko na masasabi sa iyo dahil ikaw ay nakabalik na sa iyong tunay na sinisinta
At ako ay tuluyan mo nang nalimutan
Marahil hindi nga tayo talaga ang
tinadhana
Sapagkat edad natin ay malaki ang agwat sa isat isa
Estado sa buhay ay parang langit at lupa
Marami din ang tutol sa maaring maging relasyon nating dalawa
At ang panghuli ay marahil hindi talaga ako ang tunay na sinisigaw ng iyong puso
Kaya ang pagsuko at pag limot
Sa akin ay madali mo lamang na ginawa
Siguro nga ako ay pampalipas oras mo lang
Habang Hindi ka pa niya binabalikan

Gayunpaman nais ko malaman mo na masaya ako at nakilala kita
Masaya ako sa maiksing panahon na tayo ay nagkasama
Sapagkat sa maiksing panahon na iyon ay ligaya ang nadarama kapag kasama ka
Walang pagsisi tanging hiling na lamang ay maging masaya ka na ng tuluyan kasama niya
At luha sa mga mata ay mapawi na
Pagdududa at sakit sa puso dulot ng pag-ibig ay maibsan at mawala
Dahil naniniwala ako na karapat dapat ka para sa pagmamahal na ikaw lang ang pinipili
At walang kaagaw na iba sa pagitan nyong dalawa
Pero kung sakali man na iwan ka nya ulit
At ipagpalit sa iba ay nandito lang ako para saluhin ka
At handang manatili sa tabi mo kahit ano man ang mangayari ay hindi ka iiwanan
Magkulang ka man o hindi mo man mabigay ang buong puso mo para sa akin ay sapat na akin na nakakausap at nakikita kita sa bawat araw.

Kontento na ako sa bawat araw ay nasisilayan ang iyong mukha
At na makita kang nakangiti
Salamat dahil nakilala kita
At binigyan mo ako ng panibagong dahilan para maging masaya
Salamat dahil sa dami ng ibang taong pwede mong piliin para pasayahin
Ay isa ako sa mga iyong napili
Hindi man ako sigurado kung tayo ay magtatagal
Ay isa lang ang sisiguraduhin ko na hanggat andyan ka
Ay ikaw lang ang pipiliin na gustohin
Dahil minsan sa buhay natin ay pinagtagpo tayo
At ikaw naging dahilan ng ngiti sa aking mga labi.

Verses of Her Life Where stories live. Discover now