Huling tula para sa iyo

36 1 0
                                    

Ang huling tula na iaalay para sayo

Ilang tula na ang ginawa para sayo
Pero ito ay hindi sapat upang iyong madama
Na ikaw nga ang hinahangad na makasama
Sa bawat araw at maging sa habang buhay
Kahit ang akin mga banat na salitang nagbibigay ng pahiwatig sayo na gusto kita
Ay hindi mo din pansin
At tila ito ay balewala lang sayo
Ginawa na din lahat ng paraan para mapalapit sayo
Pero na pag tanto ko na kahit anong akin gawin ay hindi mo talaga ako mabibigyan ng puwang diyan sa puso mo
Dahil simula pa lang sa iba na nakatingin ang mga mata mo
At ang iyong tenga ay iba ang boses na nais madinig
At ang ngiti sa iyong labi ay hindi din dahil sa akin
Kundi ito ay nagmula sa ibang babae
Na iyong iniibig
Kaya dahil sa akin mga nalaman ay kahit masakit man
Ay ititigil na ang pag-ibig na nadarama
Sa iyo upang ang puso ay hindi na magdurugo pa ng sobra
Tanggap ko na pinahiram ka lang sa akin ng diyos
Para ako ay pasayahin kahit sa panandalian panahon lamang
Dahil hindi ikaw ang taong nilaan niya para sa akin
At dahil ikaw ay sa iba nakalaan
At malabong maging ako yun
Kaya gusto man kita ipaglaban
Ay hindi ko na magagawa pa
Dahil pagod na ang isip at puso kong magpanggap at baguhin ang sarili
Para lang makapasa ako sa pamantayan mo sa taong nais mong ibigin
Pagod na din akong magmahal nang hindi man lang masuklian ito ng taong akin iniibig kahit kaunti
Dahil sobrang sakit ng umibig ng ikaw lang ang lumalaban

Kaya nga ako ay susuko na sa labang ito
Na sa umpisa pa lang ay talo na pala ako

Masakit man ang palayain ka at ang kalimutan ang nararamdaman para sa iyo
Sa iyo na minsan nagpasaya sa akin
Ay ito ay akin lakas loob na gagawin at pilit kakayanin para sa akin sarili
Upang kahit paano ay may matira pa na pagmamahal para sa akin sarili
Dahil aking sinta kung ipagpapatuloy ko ang pag-ibig ko sayo
Ay malamang sa huli ay wala nang matitira pa para sa akin
Kaya aking sinta maraming salamat sa lahat ng masayang alalala
At paalam na pero iyong pakatandaan na mahal kita
At hindi ibig sabihin na sumuko ako ay hindi kita tunay na inibig
Sumuko at nagpalaya ako dahil alam kong mas masaya ka sa piling nya kesa sa pag kasama mo ako
At mas pipiliin kong masaktan at malungkot ng mag-isa
Kesa makita kang malungkot pag ako ang kasama mo at hindi siya
Mas pipiliin kong makita kang masaya kahit hindi ako ang maging dahilan nito
Dahil mas gusto ko masilayan ang  iyong mga ngiti na naging dahilan kung bakit kita minahal
At ayaw kong mawala sa iyo yun
Dahil ang iyon kasiyahan ay akin na din kaligayahan
Kahit hindi man ako ang maging dahilan ng iyong kasiyahan
Kaya mahal pinapalaya na kita at wag kang mag-alala dahil sinisimulan ko nang kalimutan ang pag-ibig na nadarama para sa iyo

at ito na ang huling tula na akin iaalay para sayo
Ang huling tula na tanda ng pagmamahal ko sayo.

Verses of Her Life Where stories live. Discover now