Huwag

29 1 0
                                    

Huwag
Isang salita na sasabihin sayo ng isang tao para pigilin ka sa gagawin mo

Parang ako lang sa sarili ko
Pilit kong sinasabi na tama na toh
Tigilan mo na yan katangahan mo
Masasaktan ka lang lalo sa ginagawa mo at mas lalo ka lang magmumukhang tanga sa kanya
Huwag mong igaya sarili mo Sa aso na habol na habol sa amo nya kahit ayaw naman na sakanya ng amo nya
At huwag mo na rin sya hanapin pa
Wala ka naman mapapala sa kanya
Magmumukha ka lang kaawa
Pigilin mo din ang sarili mo na huwag nang magbalik yun nararamdaman mo para sa kanya
Kasi ikaw lang din ang mas masasaktan kasi di ka naman nya talaga mahal
Pero ewan ko ba sa sarili ko bakit ilang beses ko pigilin ang sarili ko na huwag ka ng hanap hanapin at  na huwag ng ibalik pa yun nararamdaman ko para sayo ay nagpupumiglas parin tong puso ko na makawala sa rehas na inilagay ko para di na sya masaktan mo pa at para di ka na rin nya mahalin
Pero mahal eto tandaan mo sa huling pagkakataon na magkausap man tayo
Huwag ka nang mag-alala hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sayo at sa pinakahuling pagkakataon hindi ko na hahayaan pang mahulog muli ang puso ko sayo kahit masugatan man at madurogo man itong puso ko sa kakapilit na makalaya sa kulungan at rehas na inilagay ko para lang di ka na makabalik sa buhay ko ay titiisin ko kasi
Mas okay na siguro yun ganito yun ako mismo ang mananakit ang  sarili kong damdamin kesa naman ikaw pa ang makasakit sakin
Atleast kapag ako ang nakasakit sa sarili ko alam ko kung paano ko ito pagagalingin hindi tulad ng mga sugat na iniwan mo sa puso ko na di ko alam saan sila napunta at di ko rin alam kung paano aalisin at pagagalingin kasi kahit anong gamot na ang akin inumin ay ayaw parin nilang maghilom dito sa puso ko
Na sa tinagal tagal nilang nakatira dito sa puso ko sobrang sakit na pero huwag kang mag-alala kasi ngayon di na ganon kasakit masakit man pero kakayanin ko pa at kahit gano kahirap gawin ang pagpigil sa sarili kong nararamdaman na huwag kang mahalin muli ay kakayanin ko kasi sa totoo lang nakakapagod nang magmahal at masaktan ng paulit ulit at nakakasawa na rin marinig ang mga patak ng luha ko na tumutulo sa mga mata ko para lang mabawasan tong sakit na nararamdaman ko sa tuwing naalala kita . mahal parin pala kita pero pagod na talaga ako masaktan sa alaalang mahal parin kita.

Verses of Her Life حيث تعيش القصص. اكتشف الآن