Chapter 6

55 2 0
                                    

Chapter 6

Ilang linggo lang ang nakalipas nang makapag-finals na kami at ngayon nga ay sembreak na. Nakuha ko na rin ang grades ko and as expected, matataas pa rin iyon. Hindi ako nagpabaya kahit na ilang beses akong na-depress at maloka-loka.

Sa ngayon, hindi pa naman halata na buntis ako. Buti na lang at medyo chubby ako kaya hindi nila napapansin ang tiyan ko.

Noong isang gabi ako nakapagdesisyon. Hindi na ako mag-aaral sa university na pinapasukan ko. Aayusin ko lang ang mga documents ko like 'yung TOR, ang mga cases ko from delivery and operating room at lahat ng kakailanganin para sa paglipat ko ng school. Ang balak ko sana ay doon na sa lola ko sa Cebu tumira. Pagkatapos kong maiayos ang lahat, saka ko pa lang sasabihin ang kondisyon ko sa pamilya ko.

Nasa campus kami nang sinabi ko ang plano ko sa mga kaibigan ko. Halata na nalungkot sila sa nalaman nila. Pero kahit ganoon, naiintindihan naman nila. Ang hindi lang sila sang-ayon ay ang hindi ko pagsasabi ng totoo kay Sir Kervin. Wala kasi akong balak na ipaalam sa kanya.

"Girl, I understand what you're going through. But leaving and keeping your pregnancy from the father of your child isn't the best solution. You think hindi magtatanong ang parents mo? Paglaki ni baby, hahanapin niya ang dad niya," Ate Jelly said.

"Nandoon na ako, Ate. Pero once na malaman niya, malaking gulo 'yon! Masisira ang reputation na. Pati 'yung relationship nila ng fiancé niya! Do you think the girl will forgive him? Mas mabuti na ang ganito. Mas mabuting hindi niya malaman," sabi ko sa kanya. Napalingon naman ako sa iba ko pang kaibigan. Ngayon ko lang din nakitang napakatahimik nina Maymay at Arjay. "Hoy, ang tahimik ninyo ah."

Maymay sighed. Ilang saglit lang ang lumipas, umiiyak na siya. "Kasi naman prend! Iiwan mo kami! Paano namin maaalagaan si baby? Paano pa mangyayari 'yung dream natin na maka-graduate, mag-review, mag-board exam and mag-celebrate together?"

Niyakap ko naman siya na napahagulgol na. Tears started to swell my eyes. "Prend, natatakot kasi ako kapag nag-stay ako. Maraming pwedeng mangyari na ayokong mangyari. Kaya kahit masakit, I have to leave you. Pero hindi naman mawawala ang communication natin. Hello? May skype, viber, FB and many more! Kapag hindi kayo busy, you could visit me sa Cebu. Ako pa ang gagastos sa fare 'nyo, if you like. Just please, understand me."

Umiiyak na rin si Ate Jelly, samantalang nagulat naman ako sa biglaang pagtayo ni Arjay. "Ewan ko sa'yo, teh! Ang duwag-duwag mo. So you'll trade our friendship, your booming acads and the truth for things that are non-existent? Ang hirap sa'yo, wala pa man, pinapangunahan mo na. Matalino ka. But you're not using it. You told me you'll never be a fool again. Pero aba matinde! Mas lumala ka ngayon," he said in his angry, manly voice. Bago pa man ako makapagsalita, nilayasan na niya ako.

"Don't mind him muna. Galit lang 'yon. Pero I swear hindi ka naman matitiis ng baklush nating kaibigan," pag-aalo naman ni Ate Jelly.

Parang inuntog ako ng mga salita ni Arjay. Bigla akong naguluhan. Am I acting like a fool again? Am I doing the right thing?

-----

Pumunta ako sa dean namin para magpapirma ng mga cases ko. Nabigla naman siya dahil masyado daw maaga ang pagpapa-sign ko. Karaniwan kasi, before graduation ginagawa ng mga students iyon.

"Kasi po Ma'am lilipat na po ako ng school," I honestly said. Napakunot naman ang noo niya.

"If I may ask, what is your reason, Ms. Valdez?" Dean Guzman asked. Nabalot ng katahimikan ang kwartong iyon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero nagsalita ulit si dean. "Is this about...your pregnancy?"

My eyes widened at her question. "How did you know, Ma'am?"

"Alam kong ayaw mong ipaalam pero Ms. Ruiz told me about your condition. She doesn't have a choice. Ayaw naman niyang mapahamak ka at ang dinadala mo. Kaya kinausap ko ang iba mo pang CIs. Sinabihan ko silang ilayo ka sa mga contagious diseases at ang i-toka sa'yo ay ang mild cases lang. I hope you understand what we did."

What Happened in Bela'sWhere stories live. Discover now