Chapter 7

55 2 1
                                    

Chapter 7

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"Sir Kervin? Sorry but are you out of your mind? Magpapakasal ka sa akin? Paano 'yung..." I was about to say his upcoming wedding to his fiancé pero he stopped me.

"Ako nang bahala nga doon. You don't have to worry about me, about my life. Think of your - I mean our child. Sundin na lang muna natin ang Papa mo. Kahit ngayon ko lang siya nakilala, siya ang tipo ng tao na may isang salita," sabi niya. Ah, nagets ko na. Maybe he was just afraid of what Papa can do to him.

"But I can't do it. Ayoko na sa bandang huli, pagsisisihan natin pareho iyon. I will be guilty all my life if it happens."

"Don't worry. Hindi ko pagsisisihan," he said and started the engine. Bakit parang sigurado na siya? Parang hindi man lang siya nag-disagree?

At dahil sa ginagawa niyang ito, mas lalo akong nagi-guilty. Hindi dapat kami makasal. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi iyon matuloy.

-----

Nagpababa na lang ako sa bahay ni Maymay. Umalis na rin agad si Sir Kervin at tatawagan na lang daw niya ako. Marami daw muna siyang kailangang asikasuhin.

Nagulat naman si Maymay nang makita ako sa harap ng gate ng dorm nila. Pinapasok naman niya agad ako.

"Anong meron, prend?" tanong agad niya noong makaupo kami sa may sofa.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari: simula noong magkausap kami ni Dean Guzman, sa pagkakaalam ni Sir Kervin tungkol sa pagbubuntis ko hanggang sa pagbabanta ni Papa sa amin. Napanganga naman ang loka.

"Ay prend, pang-MMK ang kwento ng buhay mo! Ipadala mo kaya 'yan kay Ate Charo," natatawang sabi niya.

"Adik! Pwede ba magseryoso ka naman kahit ngayon lang?"

Inirapan niya ako. "Eh wala naman akong masasabing maganda sa'yo. Kahit ako pa ang nasa posisyon mo, clueless pa rin ako sa dapat kong gawin. Taga-moral support lang ako, prend. Si Ate Jelly na lang ang tanungin mo, pwede pa."

"Hindi daw siya pwede eh, kasama niya daw ang family niya ngayon. Si Arjay naman wa reply. Mukang imbyerna pa rin ang beklang 'yon" nakasimangot kong sabi.

"Haha! Kung lalaki 'yon, iisipin ko talagang may gusto sa'yo si Arjay eh. Pero tungkol sa problema mo. Hindi ba parang nag-dilang anghel ako? Galing noh, prend? Baka si Sir na talaga ang destiny mo. Kaya huwag ka na umarte diyan at tanggapin mo na siya na ang magiging bowa mo for life. Swerte ka na rin prend," medyo seryoso niyang sabi pero parang nagjojoke pa rin siya. Baliw talaga 'to. Paano ko naging kaibigan 'to?

"Ewan ko sa'yo. Actually, may naisip na akong plano para hindi kami makasal. I need your help, Maymay. Please prendship," I said in my pleading voice.

"Oh my gas! Wag mong sabihing...My gulay, huwag mo 'yang itutuloy! Walang kasalanan si inaanak sa'yo para alisin mo siya sa uterus mo! Oh please naman prend!" halos maloka-loka niyang reaksyon.

"Ang OA mo talaga kahit kelan! Sino namang may sabi sa'yo na magpapa-abort ako? Masyado ka kasing mapaggawa ng scenario sa utak mo. Tigil-tigilan mo na din kasi ang pagbabasa ng nobela."

"Haha, hoo! Buti naman. Oh ano ba ang naisip mong plano?"

Ngumiti ako na parang kontrabida sa drama. I need to succeed. Mwa. Ha. Ha.

-----

"Hay naku prend, sure ka na ba talaga sa gagawin mo?" tanong sa akin ni Maymay nang makarating kami sa bus station.

What Happened in Bela'sOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz