Chapter 8

46 1 0
                                    

Chapter 8

I didn't expect that everything was already prepared. Sabi kasi ni Papa, kay Mayor lang kami magpapakasal. Totoo naman, pero sa isang resort kami dumiretso after City Hall. Doon ginanap ang reception namin at parang may piyesta sa dami ng tao!

Marami akong taong hindi kilala na super bongga ang attire. I asked Vin kung kilala niya ang mga iyon. He said yes and they were the business partners of his father and their relatives. Napanganga ako. "So your parents already knew about us? Pero wala naman po sila sa city hall ah," I uttered.

"Yes. Matagal na nilang alam. At nakapag-usap na din sila ng parents mo. Gulat ka, ano?" he joked.

"Yeah. And I felt betrayed. You're talking behind my back," nakasimangot kong sabi.

"Huwag ka sabing sisimangot, hindi ka naman maganda. Maayos ang pag-uusap nila. At tanggap ka nila at ang baby natin. Sila ang nag-ayos nitong reception as a wedding gift kaya wala sila kanina. Ayun sila, come on," he said and held my hand as we went to his parents. My now in-laws. Huhu. Dapat nanonood lang ako ng Kdrama ngayon eh. Ngayon, may asawa't mga biyenan na ako. Holy baloney.

"Mom, Dad. This is Kristina, my wife," he announced to the middle-aged couple. They smiled so wide as their eyes looked at me. I did the same in return.

"Iha! You're very beautiful! I'm so happy to welcome you in our family. Call me Mom, too. Okay?" Mrs. Tiangco told me. I am Mrs. Tiangco also! I mean the mother of my, er, husband.

"Huwag kang mahihiya sa amin ng Mom mo ah. Aalagaan namin kayong mabuti ng apo namin. Sa amin kayo titira, is it okay?" Mr. David Tiangco asked. I know him because he is the owner of the largest mall in Bataan, pati na rin mga resorts and hotels dito. Sila ang pinakamayaman dito at parang nanliliit ako ngayong nasa harap ko sila.

"I'll ask my parents po muna," I said.

"Don't worry, nakausap na namin sina balae. Okay daw sa kanila. O kung gusto ninyo, ibibili ko na lang kayo ng bahay. Tama, ganoon na lang. It's better to build a family away from your parents, di ba love?" Dad said. Napangiti naman ako. Ang sweet naman nila. I looked at Kervin and he's smiling as well.

"Ay tama, iha. Kami kasi ng Dad 'nyo, bumukod agad kaya nga ang laki ng family natin! Kervin has four elder sisters and two younger brothers. I hope ganyan din ang magiging family 'nyo. The more, the merrier!" medyo energetic na sabi ni Mom. Mukhang magkakasundo kami.

"Okay Mom and Dad, we'll take the house. Now, can I excuse my wife? Gusto ko muna siyang masolo," Vin told them. They both nodded and teased us. Mukha silang mabait. It's a relief.

"May utang ka pong kwento sa akin, Sir Kervin Tiangco. It's all a blur! How did all of these happened in a snap? Maloloka ata ako," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa table namin.

"Laters, baby. For now, mag-enjoy muna tayo at kumain," he whispered. Okay fine, I admit it's really sexy! Naku, kailangan kong magpakatatag.

-----

After the wedding, sinabihan na kami ng mga parents namin na magpahinga. Ayos na daw ang honeymoon suite namin. Napalunok ako. Honeymoon. Jusmiyo, Marimar.

Para namang nakahithit ng katol si Sir Kervin, I mean Vin, nang tumingin sa akin ng nakakaloko. Bakit ganyan siya makatingin? Nakakaloka.

Gumawa pa ako ng paraan para huwag muna kaming umakyat sa kwarto namin. Sabi ko, makikipagchikahan muna ako sa mga kaibigan ko. Ito namang mga true friends ko, nilaglag ako at sinabing gumora na daw ako with my husband. Kung alam lang nila na iniiwasan ko siya.

Kahit na anong gawin kong pilit na mag-stay pa sa party, wala na akong nagawa noong binuhat niya ako by lover's carry. Naghiyawan naman ang madlang pips sa kilig. Kaloka.

What Happened in Bela'sWhere stories live. Discover now