Chapter 2

70 2 0
                                    

Chapter 2

Pupunta ba ako o hindi?

Kagabi, hindi ako makatulog sa pag-iisip. Kaya nga heto ako, basang-basa sa ulan. Cheret. Mukha na akong zombie habang nagkaklase. Napapansin ko namang pinagtatawanan na naman ako ng mga kaklase ko. May nahuli pa akong kumukuha ng video. Kailan kaya ako rerespetuhin ng mga 'to?

Respect. Big word. Napaisip na naman ako. Does Gino respect me? I mean if he does, hindi naman niya dapat ako tinatanong about doon. He knows how I control myself para maging virgin sa harap ng mapapangasawa ko na sana siya na din. Palagi kong sinasabi sa kanya 'yon pero bakit ganoon? Pinipilit niya pa ring may mangyari sa amin?

Love. Does he really love me? Because of love ba kaya namin gagawin 'yon at di lang because of lust? Because if I'd do it, love is my only reason. I love him so much that I'm at the point of deciding that I'll go later.

These are the two things that I'm considering. Sapat na kaya ang love without respect? I'm not saying that he's not respecting me. Ewan, bakit ba english ako ng english. Sarili ko lang naman ang kausap ko.

Inaliw ko muna ang sarili ko upang pansamantalang makalimot. Ayoko munang isipin. Mamaya na lang 'pag 1 hour before. Mahilig naman ako sa cramming.

Sumama muna ako sa mga kaklase ko na mag-iinuman. 6pm pa lang, 'yon agad ang inaatupag nila. Unlike them, nakauwi na dapat ako ngayon dahil 'di naman ako lasenggera. But tonight, I think I need a shot.

"Aba Tin prend, mukhang napaparami ang inom mo ah. Ngayon lang 'yan ah! May himala pa pala sa mga panahong ito?" pansin sa akin ni Maymay na kasalukuyang nakikipaglingkisan sa boyfriend niyang si Carlo. Ganyan ba ang magaganap sa amin ni Gino mamaya? 'Wag naman sana. Ang gross.

"Sira. Masama bang uminom paminsan-minsan?" sagot ko. Napa-weh naman siya at mukhang hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Girl, may problema ka? You're not you today. Is this about Gino?" alalang tanong ni Ate Jelly pagkatapos niyang mainom ang shot niya.

Kasunod naman niya ako kaya ininom ko muna ang sa akin bago ko sagutin ang tanong niya. "Yeah, Ate. Hay. He texted me last night. Sabi niya kung di kami magsesex later, he'll leave me."

Napahiyaw naman ang beklang si Arjay. "Huwaaat? Grabe naman teh! Sex na lang ang basehan ng relasyon 'nyo? Hay naku, Kristina. Matalino ka. Alam mo dapat ang gagawin mo. Hindi ka mahal ng cheapangga mong bowa. 'Pag natikman ka na niya, wala, tapos na din kayo. Iiwan ka din niya. I swear. Aba kahit papaano naging lalaki din ako sa past life ko. Noong t'boli pa ako, ganyan din ang sinasabi ko sa mga merlat. Super give naman sila. Ang cheap! Don't be cheap like them! Eew!" ang sobrang habang story-telling ni Kumareng Arjay.

Dahil sa tama ng alak sa ulo ko, napa-yes yes yow na lang ako. Ayoko na lang pag-usapan. Buti na lang iniba ni Maymay ang topic. Ang babaitang ito naman, sa lahat ng pag-uusapan si Sir Kervin pa.

"Prend, alam mo kung ipapahawak mo lang din ang pearly shell mo, kay Sir Kervin na lang! Wala kang pagsisihan doon. 'Pag may nangyari sa inyo at nabuntis ka, jackpot! Instant milyonarya ka na! Kaya mag-isip ka na ng gagawin para sa Operation: Gapangin si Sir Kervin," ang out-of-this-world suggestion ng baliw na si Maymay. Malakas na ang tama nito.

Binato ko sa kanya ang throw pillow na nasa tabi ko. "Baliw ka talaga! Wala akong balak noh. Doon na lang siya sa fiancé niya. Basta masaya ako kay Gino. Period. Alis na ako mga friends. Ayokong malasing masyado, baka 'di pa ako makauwi nang buo."

Patayo na ako nang harangin ako ni Arjay. "Hephep! Bruha, I'm warning you ah. 'Wag na 'wag mong gagawin 'yon. Diretso uwi ka na."

Tinaas ko ang dalawang kamay ko as a surrender. "Yes Madam. Bye na," sabay beso sa kanya. Bumeso din ako kina Maymay at Ate Jelly.

What Happened in Bela'sWhere stories live. Discover now