Chapter 5

68 2 0
                                    

Chapter 5

Two months. It took two months before I finally moved on. Maraming nangyari sa loob ng dalawang buwan.

Nakapag-duty na ulit kami sa hospital. Sa Emergency Room ako naka-sched noong una. Sumunod naman sa general ward. Marami akong naging pasyente with different cases. Noong minsang nakabalik na ako after the lunch break, may naamoy akong kakaiba sa pagkain ng isa sa mga relatives ng pasyente ko. Parang bumaligtad ang sikmura ko. Dali-dali akong nagpunta ng CR at doon sumuka.

Ilang araw na din akong sumusuka, lalo na sa umaga. Palagi ko kasing napapabayaan ang sarili ko. Madalas kong makalimutang kumain at inuumaga na ako sa paggawa ng mga paperworks. 3-4 hours lang halos ang tulog ko.

Hanggang sa biglang nagdilim ang paningin ko pagkalabas ko ng CR. Nagising na lang ako noong nakahiga ako sa ER, at nakita ko ang mga kaibigan ko na nagkataon ding groupmates ko. Sina Arjay, Ate Jelly and Maymay.

"Tapos na ang duty? Ano palang nangyari sa akin?" tanong ko sa kanila. Inalalayan naman ako ni Arjay para makaupo.

"Girl, you fainted. Sabi ng nakakita sayo sa general ward, nakita ka na lang nila lying on the floor. We're still waiting for the doctor who checked on you. Kaya dito muna tayo for the meantime," Ate Jelly uttered.

"Ikaw naman kasi prend, masyadong kinakarir ang lahat ng bagay! Iyan, nagkakasakit ka tuloy," sumbat naman ni Maymay.

Magsasalita pa sana si Arjay nang biglang dumating si Doctora Arnaiz. Teka, OB-Gynecologist siya ah?

"Good afternoon Ms. Valdez. May I ask when was your last menstrual period?" she asked.

Nag-isip ako. I think that was 3 months ago. Hindi naman ako nagtataka kasi irregular nga ako.

"Three months ago, Doc. July 5 if I'm not mistaken. Pero po irregular kasi ako," I answered.

She nodded. "Kaya ko naitanong kasi normal naman ang lab tests mo. So Doc Cruz, the ROD here, called me to check on you. Kanina, na-ultrasound ka na namin and congratulations. You're two months pregnant."

"Bu...buntis ako?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. They were also shocked about the news.

"Yes iha. And I guess this is unplanned, as I see the look upon your face. Just a piece of advice: being a mother at a young age is not easy, but having a child is a blessing. I'll go ahead, I'll talk to your CI."

"Doktora, wait po. Ako na lang po ang kakausap sa kanya," pahabol ko bago siya makaalis.

"Okay sige. Pero you have to tell it to her, she's responsible for you. Sige. Kung gusto mo, ako na ang magiging OB mo."

I smiled. "Okay po Doktora. Thank you so much po."

Nang makaalis siya, tahimik pa rin ang tatlo.

"You have a lot of explaining to do, girl," seryosong sabi ni Ate Jelly.

"Yes, okay. I'll tell it. I have to talk to Ms. Ruiz first. I have to ask her na huwag sabihin sa family ko ang pregnancy ko. Can you contact her?" I asked.

Kumuha naman ng phone si Maymay at nagtext. Ilang minuto lang, dumating agad si Ms. Ruiz na clinical instuctor ko.

"Ms. Valdez, are you okay? I talked to Doktora Arnaiz at sabi niya, sayo ko na lang tanungin ang nangyari sayo. What happened?" she inquired with a worried voice.

"Ma'am. I'm pregnant. But please po, don't tell my parents yet. I beg you. Ako na lang po ang magsasabi sa kanila in the right time. Please pakitago din muna po ito sa lahat. I'm not yet ready to tell everyone. Please po Ma'am," I said while crying. I don't know what to do now.

"It looks like hindi mo inasahan ito. Sige, Ms. Valdez. But you have to tell it soon. Alam mo naman na nagduduty ka kaya maraming sakit na pwede kang mahawahan, at ang first trimester ang pinaka-dangerous for your baby. Isipin mo din ang kapakanan niya. Mas mabuti na sabihin mo na para mai-coordinate ko sa iba pang CIs mo ang condition mo. Just give me a go signal. Okay? Sige, mauna na ako sa inyo," Ma'am Ruiz advised. Tiningnan naman niya ang mga kaibigan ko. "Kayo na ang bahala kay Ms. Valdez, ingat kayo."

Nang makaalis si Ma'am Ruiz, doon ko na sinabi ang lahat-lahat sa kanila. Walang labis, walang kulang. Gaya ng reaksyon ni Arjay noon, nagulat din sila na parang kinilig dahil si Sir Kervin nga daw ang maswerteng lalaki. Speaking of him, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.

"Girl, you have to tell this to your family. Hanggang kailan mo 'yan matatago? They're gonna be hurt more if you tell it later.  Knowing them, I know they will understand and accept your child," payo ni Ate Jelly. I don't have words to say. I only sighed as a response.

"Truth prend. Saka dapat mo ding sabihin 'yang dinadala mo kay Sir Kervin. Karapatan niyang malaman. Sabay ninyong binuo 'yan eh," sabi naman ni Maymay.

Napakamot ako ng ulo. "Prend, ayokong guluhin ang buhay ni Sir Kervin. At isa pa, this is all my fault. If I were just using my mind at that time, sana wala tayo ngayon dito. Wala itong dinadala ko," I said with a bitter tone.

"Ay teh, nangyari na eh! Wala ka nang magagawa kahit mag-crayola ka forever! At isa pa, wala namang kasalanan ang bata. Don't abort it, okay? Nandito kaming mga ninangs niya na tutulong sayo. Pero trulagen si Maymay. Sabihin mo din kay Sir Kervin," sabat naman ni Arjay.

Puro buntong-hininga lang ang gusto kong isagot sa lahat ng sinabi nila. Pinalapit ko sila at kinuha ang tig-iisang kamay nila. I held it between my hands. "Mga mahal kong kaibigan, sa atin lang muna 'to, please. Kung malalaman man nilang lahat, sa akin dapat manggaling. Pero hindi pa ako handa eh. Kailangan ko munang mapag-isa para mag-isip. Kayong tatlo, si Ma'am Ruiz at si Doktora Arnaiz palang ang nakakaalam. Sana, you're all true to your word."

"Kung iyan ang gusto mo, we'll just support you. Mahal ka namin eh," Ate Jelly smiled as she said it. I widened my arms and they all hugged me. Kahit na medyo hindi maganda ang nangyayari sa buhay ko, blessed naman ako para maging mga kaibigan sila.

-----

Pagkauwi ko ng bahay, dali-dali akong nagpunta ng kwarto. Buti na lang at nasa kusina si Mama. Si Papa, nasa work at si Katalina o Lin ay nasa school pa.

Doon ko muling binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Dahil lang sa isang maling desisyon, ito ang napala ko.

This is the last thing that I'm thinking of having in my life. Pinangarap ko na magkakaroon ako ng anak kapag kasal na ako, kasama ang asawa ko. Pero dahil sa isang aksidente, nagbago ang lahat.

Paano ko sasabihin sa pamilya ko? Umaasa sila sa akin na makakapagtapos ako nang walang aberya. They trusted me so much. They gave all their love and support for me. Pero ano ba naman 'tong sinukli ko?

At kay Sir Kervin. Nadamay pa siya sa gulong pinasok ko. I want my child to have a father, but I can't afford to destroy his happiness. Ikakasal na sila sa December ng fiancé niya, as he proudly announced. Kapag nalaman niya at ng fiancé niya, will everything be the same between them? Nakakaawa naman si girl. Wala siyang kaalam-alam at alam kong masasaktan siya nang bonggang bongga.

Hinawakan ko ang tiyan ko. May buhay na nasa loob niyon. Napaluha ako. Hindi ko naman siya ginustong mabuo. Pero hindi naman ako ganoon kasama para alisin siya sa katawan ko.

"Baby. Hello. Ako pala ang Mommy mo. Sorry kung masama ang loob ko when I learned that I'm pregnant with you. Sorry kasi di kita naplano kaya ganito ang reaksyon ko. Pero kahit mahirap, hindi ko hahayaang mawala ka sa akin. Kakayanin nating dalawa ito. Kapit ka lang sa uterus ko ah. Aja, baby! Love ka ni Mommy."

Gumaan ang loob ko nang kausapin ko si baby, ang anak ko. Sa ngayon, itatago ko muna siya. Pero sa pagtatago kong ito, hindi ko naman papabayaan ang sarili ko at siya.

Feeling ko tumanda ako ng 10 years sa biglaang maturity ko ngayong araw. Siguro, si baby ang babago sa buhay ko. Siguro, siya ang magiging way para magkaroon ng direksyon ang buhay ko.

What Happened in Bela'sWhere stories live. Discover now