Chapter 11

64 1 0
                                    

Chapter 11

Nagising ako sa magkakasunod na katok sa pinto. Nakatulog pala ako na nakaupo sa gilid ng kama. Tumayo ako at binuksan iyon.

"Kristina, kanina pa ako kumakatok. Okay ka na ba? Ginamot mo na ba ang sugat mo?" sabi agad ni Kervin the moment na binuksan ko ang pinto. Tiningnan niya naman ang kamay ko na may dugo pa rin. Halos tuyo na ang sugat ko.

"Kanina ka pa kumakatok? Umaga na eh! Ibig sabihin hindi ka pa natutulog?" medyo inis kong tanong. Ang shonga naman niya kung talagang hindi pa siya natutulog.

"Dito na ako nakatulog sa labas ng pinto mo. Hindi mo ba narinig? Gusto ko na sanang gibain 'tong pinto mo eh."

"Paano ko maririnig, eh naka-headset ako?"

"Sorry, I didn't know. Linisin muna natin ang sugat mo bago natin ituloy ang away na 'to."

"Kaya ko ang sarili ko. Monday ngayon, you should be preparing for work."

Parang na-ice bucket challenge siya nang may ma-realize siya. "Oo nga pala! Patay late na ako! 7am ang first subject ko!"

Tumingin naman ako sa malaking bedside clock. 6:30 na. Pagbalik ko ng tingin sa labas, wala na pala siya doon na parang bula. Bumaba na lang ako at nag-ayos ng breakfast niya.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng sandwich at maglagay ng coffee sa isang maliit na thermos nang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan. Ang bilis talagang mag-ayos ng mga lalaki.

"Kervin, kunin mo muna 'tong breakfast mo. Doon mo na lang kainin pagdating mo," habol ko sa kanya.

Kinuha naman niya iyon at ngumiti. "Thank you," sabi niya sabay kiss sa pisngi ko. Para naman akong nakuryente ako sa pagdampi ng lips niya sa slightly smooth cheek ko. Nakanganga pa rin ako at hindi tumitinag kahit na nakaalis na siya.

Habang dumadaan ang mga araw, mas lalong nagiging sweet at thoughtful si Kervin. How can I stop myself from liking him if he still keeps on doing it? I sighed. Mahihirapan ata akong iwasan siya at pigilan ang nararamdaman ko.

-----

Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako for school. Mahaba-haba pa ang preparation time ko kaya hindi ako nagmadali. 10am ang first class ko, at ngayon ay 7:30 pa lang. No time for cramming ang drama ko today. Whatta mirakol!

Habang sinusuot ko ang bagong uniform ko na white blouse at white skirt, unlike dati na isang white whole dress, nakaramdam ako ng kaba. Bagong environment at bagong mga mukha ang haharapin ko mamaya. I just hope I could blend well and adjust easily.

Malapit lang din ang bagong college na papasukan ko kaya nag-tricycle na lang ulit ako. Pagdating ko doon, kasabay kong pumasok sa gate ang mga sosyal na may nga mamahaling bag, watch at cellphone habang naglalakad. Nahiya naman ang Jansport aka Jejemon bag ko at umuwing luhaan. Cheret. Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglakad hanggang sa makita ko na ang room namin.

Pagpasok ko palang, halos lahat ata ng students doon ay nakatingin sa akin na para bang I don't belong here. Umupo na lang ako sa dulong row na bakante ang lahat ng upuan. After 5 minutes, may dumating na lalaki at tumabi sa vacant seat sa tabi ko. Isang matangkad na lalaki, siguro kasing age ko din. Gwaping siya, inpernes.

"Miss, bago ka din?" the guy spoke to me. I nodded as a reply. "Ako din kasi eh. By the way, I'm Ryan Peralta. Ikaw?" he said as he offered his hand.

I accept his hand. "Kristina, Kristina Valdez." Oops, may Tiangco pa dapat eh. I forgot.

"What's your reason why you're here? Sa akin kasi, our family moved here in Bataan for some business matters. We're actually from Dagupan," he said. May kadaldalan din ang lalaki ito ah.

What Happened in Bela'sWhere stories live. Discover now