Chapter Thirty

Começar do início
                                    

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ko sa kanila pagkatapos ng hug namin. Tsaka silang dalawa lang ang magkasama. Asan naman yung iba?

"Nasa computer lab kami" napa ahh nalang ako sa sinabi ni Angel.

"Asan na yung iba?"

"M-may problema kasi El eh" napatingin naman ako kay Josh.

"Problema? Ano yun?" tanong na rin ni Angel.

"Angel, pwede ba kami nalang muna ang mag usap ni El? Puntahan mo nalang si Karl sa cafeteria"

Kahit naguguluhan si Angel ay sumunod nalang ito. Pagkalabas niya ay tumingin sa akin si Josh ng seryoso.

Kami lang din ang tao dito sa classroom kaya malaya kaming makapag usap ng masinsinan.

"Ano ba yun Josh?"

"Sasabihin ko ito sa iyo tutal boyfriend mo naman si Master at alam mo naman ang gangster life niya"

Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya.

"May nagnakaw kasi ng pera ng isang gang. Phantoms, yun ang pangalan ng gang nila. Ngayon ay pinag bibintangan ang gang namin kasi sa amin lang may galit ang gang na iyun at galit kami sa kanila"

"Inaasikaso na ni master ang problema"

Isang linggo na dw silang hindi pumapasok. Iniwan lang nila si Josh kung sakaling sumugod ang mga Phantoms ay mapro-protektahan niya kami.

Pumasok na sina Angel at Karl kasama ang foods namin. Nag sparkle naman ang mga mata ko dahil sa mga pagkain na binili nila.

It's all sweets, ang mas masaya... Strawberry lahaaaatttt!!

Kumuha ako kaagad at sumubo. Hindi ako nakakain ng mga ganitong pagkain nung nasa bahay ako kasi kailangang mga soft foods muna. Yun yung sabi sa akin kaya sumunod nalang ako.

"Slow down baby girl" natatawang sabi ni Karl sabay tumawa siya ng mahina. Tsk! Di ko siya pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain hanggang sa maubos ito.

Nagkwento kwento sila tungkol sa nangyari nung umalis kami ni Leigh. Mabuti nga hindi nila tinanong kung ano yung nangyari nung umalis kami ni Leigh.

Five minutes late si ma'am. Inutusan ako nitong kunin ang mga notebook sa office niya pambawi man lang dw sa absent ko.

ABA! Papadala pa sa akin yung mga notebook eh may sugat ako!

Pero dahil sa mabait ako hehe susundin ko nalang siya. Pumunta na ako sa office niya para kunin ang mga notebook. Pabalik na sana ako ng room namin bitbit ang mga notebook nang biglang may naka bunggo sa akin kaya nahulog ang mga dala ko. Tsk! Di kasi tumitingin sa dinadaanan eh!

Tinulungan ako ng naka bunggo kong pulutin ang mga nahulog. Tumayo ako at ibinigay niya sa akin ang mga napulot niya. Tinignan ko naman siya. Naka cap ito at naka mask ng black. His figure is very familiar.

But it can't be.

Napako ang tingin niya sa akin. I was about to leave pero hinawakan niya ang kaliwang braso ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Sh*t!

Ang lakas kasi ng pagkakahawak niya sa akin. Hindi lang pala hawak yun dahil hinigit niya ako papalapit sa kaniya! Grr!

Nahulog nanaman ang mga notebook.

"Are you ok--" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang biglang may sumuntok sa kaniya.

Fake BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora