Chapter 1 Exordium

Start from the beginning
                                    



Nangyari lahat 'yon nang hindi umaalis sa kinatatayuan ang bata. Ni hindi bumitiw ang kamay nito na nakakapit sa presidente.



Saglit na nagulat ang iba pang personnel na agad naman ding nahimasmasan. Sabay-sabay silang umatake na sabay-sabay ring bumulagta.


“Take your seats!”



Siyang dating ng propesora na bumasag sa pigil-hiningang pakikinood ni Aaren sa kaklase. Pero imbes na sundin si Mrs. Arseña, dinukot niya sa bulsa ang sariling smartphone.



The big news happening right now is hard to miss. It's all over facebook. Multiple videos of it are being shared by hundreds of people by the minute.



Pinindot niya ang isa sa mga most shared videos pero hindi ang live broadcast na pinanonood kanina ang tumambad sa kanya. His brows furrowed in confusion while witnessing another hostage taking in another country.



“Teka, ibang live yata 'tong nahanap ko? US President 'tong nasa video.”



Taka siyang napalingon sa katabing naguguluhan din sa napapanood.



“Iba rin 'tong sa 'kin. Sa Japan.”


“Pati Prime Minister ng Canada.”



Bukod sa tatlo, may iba pa na magkakaibang live stream din ang nakita sa facebook.



The very situation is baffling; all the world leaders are being held hostage at the very same time by the very same boy.



How is that even possible?



“Get 1/4 sheet of paper, now!” ordered the professor who had no idea of what her students were making a fuss about.



Sa lahat, si Tsarina lang ang mabilis na tumalima.



“Ma'am, may hostage taking sa balita!” awat ni Jessica sa nakaambang quiz. Ito ang kadalasang lifesaver ng klase dahil sa pagiging makuwento nito sa mga propesor nila.



Nagmadali 'tong lumapit at ipinakita ang live video na nakapagpakunot sa noo ng propesora.



“The time for earth to end has come.”



Ang lahat sa classroom ay natulala nang umalingawngaw ang boses ng bata sa iba't ibang lenguwahe galing sa ibat 'ibang live coverage sa kanya kanyang video na pinapanood nila.


It was unearthly. Nakakapangilabot.



Exordium: God Is A Gamer (Mild R-18)Where stories live. Discover now