Chapter 1 Exordium

2K 85 47
                                    

Chapter 1
Annihilation to Exordium



“Guys, walang uuwi. Nand'yan na si Ma'am Arseña.” Tumatakbo sa corridor na pigil ng class president na si Tsarina. Saktong naharang niya ang tatlong naaktuhang hahakbang na palabas ng pinto.



There was this unspoken rule among their section: if a professor hasn't arrived within fifteen minutes, the class is considered dismissed. Especially, if it's the last subject of the day.



Dismayadong nagsipagbalikan sa kani-kanilang upuan ang tatlo gaya ng iba pa nilang mga kaklaseng uwing-uwi na rin. Sayang. Isang minuto na lang sana.



Aaren on the other hand isn't as bummed as the others. He didn't even move from his seat. Probably because his eyes were busy following a cat right across the room outside the window. Stray cats are very common in their university.


“Hala, ano 'to?”


“Patingin?”


Nagsimulang magkumpulan ang ilan dahil sa kung anong tinutukoy ng isa sa classmate nila.


Walang balak maki-usyoso si Aaren kahit pa halos katabi niya lang ang mga usisero't usisera. He doesn't care about what people around him are doing most of the time, pero nagbago ang isip niya dahil sa mga sunod na narinig.


“Hostage taking sa Malacañang? Legit ba 'yan?”


“Saan n'yo nakita?”


“Nasa FB!”



Pasimple siyang sumilip sa pinagkakaguluhan nila. Nasa phone ng isa sa mga kaklase niya ang live video coverage ng isang kilalang TV station.



“Seryoso ba 'to? Bata 'yong hostage taker?”




Nakaluhod ang presidente habang nakakapit sa braso nito ang isang batang lalaking may mahabang buhok.



The boy is most likely thirteen or fifteen years old, way weaker than an adult on its forties. But the latter is evidently struggling to free himself from its grasp.



Sinubukang kumbinsihin ng security ang bata na pakawalan ang pangulo pero para 'tong walang naririnig. Diretso lang ang tingin nito at walang imik. Ngunit dahil wala naman 'tong delikadong hawak, napagdesisyunan na ng mga nasa paligid na lumapit.



Sinunggaban ng unang dalawa ang bata pero hindi man lang dumampi ang mga kamay nila rito. Sa kaunting kilos kasi gamit ang palad, nagawa ng bata na itulak paitaas ang baba ng isa sa mga lalaki mula sa ilalim. Sa lakas n'yon, lumagutok ang panga nito at umangat sa sahig ang mga paa bago bumagsak pahiga. Habang isang taga naman ng kamay sa gilid ng leeg ang nagpadapa agad sa kasama nito.

Exordium: God Is A Gamer (Mild R-18)Where stories live. Discover now