The Crossover pt2

1.7K 47 2
                                    

"Kung ganoon ay nasa nakaraan pala tayo." nasabi ni Sky ng makita nya ang kalendaryong nakasabit sa may dingding ng sala.

Kararating lang nila sa bahay nila Sagi.

"Nakaraan?!" di makapaniwalang bulalas ni Aaron

"Ano bang ginawa ng kahon na iyon sa atin?!" napaface palm na sabi ni Rockie.

"Maupo muna kayo." aya ni Sagi sa kanilang mga bisita.

"Tulad nga ng inakala ko ay hindi kayo taga-rito sa amin. Paano nga ba kayo napunta dito sa aming panahon?" tanong ni Lilian ng makaupo na silang lahat.

"May nakitang kakaibang kahon sa kusina ng dojo na tinutuluyan namin si Rockie at sinubukan namin itong buksan kaya lang ng mabuksan na iyon ay hinigop kami papasok sa loob ng kahon at bigla na lang kaming napunta dito sa inyo." paliwanag ni Mizuri.

"Isang kahon?" takang tanong ni Lilian.

"Oo. Teka, paano ba tayo makakabalik sa atin nito?" iritang tanong ni Flaire.

"Sa ngayon ay wag nyo na muna iyong intindihin. Hindi ko alam kung ano ang kahon na iyon pero batid kong may malalim na dahilan at dinala nya kayo dito sa aming panahon." napapaisip namang sabi ni Lilian.

"Sya nga pala, ang sabi mo ay isa kang dyosa, tama? Paano mo ba nalaman ang tungkol sa amin gayong nanggaling kami sa hinaharap?" Sky

"Simple lang. Dahil ang kapangyarihang taglay ninyo ay biyaya ng kalikasan. Nararamdaman ko iyon bilang isang dyosa rin ng kalikasan. Paano nga pala napasainyo ang kapangyarihan na taglay ninyo?"

Nagkatinginan muna ang lima bago sumagot si Sky.

"Pare-pareho lang ang nangyari sa amin. Dinalaw kami ng prinsesa ng kalikasan sa aming panaginip at pinakita nya sa amin ang mangyayari sa hinaharap ng aming panahon."

"Prinsesa ng kalikasan?" Lilian

"Hindi mo ba kilala yun Lian?"-Sagi

"Hindi. Ang Inang kalikasan na si Reyna Elyse ang aming pinakapinuno at sinundan iyon ng mga matataas at makapangyatihang mga diyos at dyosa na tinaguriang counsil, sunod ay kaming mga elemental goddess at ang huli ay ang nga elemental at nature spirits."

"Siguro ay paglipas ng panahon ay nagbago na din ang heirarchy ng mga dyosa. O maari din namang wala na kayo sa panahon nila."-Sagi

"Maari nga siguro."

"Ipinakita din sa amin ng prinsesa na masisira ang kalikasan dahil sa kagagawan ng mga tao. Isang gyera ang mangyayari. Pagkatapos noon ay binuksan nya ang aming mga isipan para magawa naming malampasan ang normal na kakayahan namin."-Flaire.

"Parang supernatural ganun?"-Sagi

"Oo, sa panahon kasi namin ay talaga namang napakamoderno na, na tipong maging ang kakayahan ng utak at pag-iisip ng mga tao ay kakaiba na rin. May telekenesis, teleportation, magpalutang nga mga bagay, maghanap gamit lang ang isip at iba pang kakayahan na isip lang ang gamit. Dahil na rin sa evolution kaya nagkaganun, normal na lang ang makakita ka ng mga taong may kakaibang kakayahan."-Dugtong pa ni Flaire.

"Grabe naman, sa panahon naming ito ay ang mga ganung bagay ay talaga namang kamangha-mangha at kung minsan ay di masyadong pinaniniwalaan. Teka, diba sabi mo ay teleportation? Kaya nyo din bang gawin yun? Para makabalik kayo sa panahon ninyo."-Sagi

ELEMENTSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora