Ang unang laban

2.4K 73 4
                                    

Mahigit dalawang linggo narin ang nakakalipas mula ng magsanay ang ating mga bayani at kasalukuyan parin silang nagsasanay sa araw na ito habang si Aaron ay nanunuod lamang ng balita sa selpon sa sala dahil tapos na siya sa kanyang ensayo

"haay salamat natapos narin tayo sa pagsasanay"pinagpapawisang sambit ni Sky matapos makapasok sa sala

"Grabe ka naman Sky kung pagpawisan...bakit di mo gamitin kapangyarihan mo para guminhawa pakiramdam mo?"sambit ni Mizuri na nakabuntot lang kay Sky

"oo nga naman pati rin ako pahanginan mo ah"sambit naman ni Rockie na kasabay lang ni Mizuri habang nagpapaypay ng damit

"wow ah parang di ako napagod kanina sa paggamit ng kapangyarihan ko psh yow Aaron"nag-apir sila Sky at Aaron ng makaupo sa sofa kung saan nakaupo si Aaron at ganun din sina Mizuri at Rockie

"hahaha mabuti naman natapos na kayo,kanina pa ako naiinip dito eh buti nalang may pinapanuod ako dito na balita"sambit ni Aaron sabay pakita ng selpon niya

"hmmm speaking of...maari ba tayong manuod ng balita sa telebisyon?"tumungo naman si Rockie at binuksan ang telebisyon,tumambad naman sakanila ang isang nakakagulat na balita

"Breaking News:Nakatakas ang mahigit dalawang daang kriminal sa mga kulungan kaya naman hirap ngayon ang mga pulis sa pagkontrol ng sitwasyon dahil mismo sa mga armadong tao na nagpalaya sakanila,para sa live report si Renalyn ang maguulat"lumabas sa katabing screen ang isa pang screen kung saan may isang babae na may hawak ng mikropono at nakasuot ito ng helmet at bulletproofvest

"uhm yes Lyn nandito ako ngayon sa lugar dito sa manila kung saan nagpapalitan ng mga putok ang mga pulis pati narin ang mga armadong kriminal at mga bilanggong nakatakas...sa ngayon ay tumigil ang putukan kaya naman nagawa naming kumuha ngayon ng live report"-Rena

"okay Rena so matanung ko lang bakit wala pa diyan ang mga Imagine police upang pahupain ang gulo"-Lyn

"Yes Lyn sa totoo lang ay naitanung ko na yan ngunit ang sabi nila ay nasa mahalagang misyon daw sila kaya naman sila ngayon ang kumokontrol sa sitwasyon and---Ayy!"naputol ang sasabihin ng reporter ng biglang may sumabog at nakuhanan naman ito ng kamera kung saan nasusunog ngayon ang isang kotse ng pulis at nagpalitan muli sila ng bala kaya naman nawala agad ang livefeed

"Rena!?Rena?!anong nangyayari diyan?!ayos ka lang ba?sumagot ka"nagaalalang tono na sambit ng reporter na si Lyn

"bzzk y-yes Lyn a-ayos lang"sambit sa kabilang screen kahit boses lang ito kaya naman nakahinga ng maluwag si Lyn

"mabuti naman kung ganon Rena siguro kelangan niyo nang umalis ngayon din"-Lyn

"bzzzk zzk si krkk ge"at doon ay agad naputol ang linya ng reporter na si Rena habang kami naman ay nagtitinginan lang sa isa't isa nagaabang ng gagawin

"ito na ba ang umpisa ng kaguluhang sinasabi ng prinsesa?"mahinang sambit ni Rockie

"sa tingin ko oo...ngayon lang ito nangyare dahil matagal narin magmula ng mabawasan ang krimen dito sa pinas"malumanay na sabi ni Mizuri

"hoho tignan mo nga naman ang pagkakataon mabuti nalang at nakapaghanda ako"nakangising sabi ni Aaron na ikinapagtaka namin

"wag mong sabihing susugod ka dun Aaron porket tapos ka na sa ensayo"tumawa lang loko at umiling

ELEMENTSWhere stories live. Discover now