Ang Manggagamot

5.1K 128 5
                                    

Sa isang baryo na pinangalanang Baryo Vistre ay may usapang nagaganap ukol sa isang manggagamot na kayang gamutin ang anumang sakit

"mare alam mo ba yung dalaga diyan kela Silvio...yun daw yung manggagamot"

"oh talaga?baka naman peke din yun gaya ng iba?"may halong pagaalang sabi ng babae sa kausap

"naku hinde noh,napagaling niya nga yung anak ni mareng Elle eh"

"ah oo si Miguel...yung nakomatose ba yun?"pagkukumpirmang sabi ng babae

"oo siya nga"

"kung totoo nga yun edi puntahan natin...tamang-tama masakit likod ko baka magamot niya"at nagtungo na nga ang magkumare sa bahay mismo ni manong Silvio na nagtratrabaho bilang magsasaka sa kanilang bukid

Nakarating ang magkumare ngunit sa di inaasahan ay dagsa ang mga tagabaryo sa tapat ng bahay ni Mang Silvio

"kaya pala ako nagtataka kung bakit walang tao sa daan yun pala andito silang lahat"sabi ng babae habang sinusubukang sumilip upang makita ang nangyayareng gamutan

"oo nga eh di ko tuloy makita ang nangyayare"sambit naman ng kanyang kumare na may halong pagkadismaya

"Mang Silvio parang awa niyo na papasukin niyo na kami!"sigaw ng isang magsasaka habang kinakalampag ang pinto ng bahay

"oo nga mang Silvio ang apo niyo lang makakapagpagamot sa anak ko"sabi naman ng isang ina habang karga-karga ang walang muwang na sanggol at dahil sa ingay na dulot ng mga tao ay umiyak ito at ngayon ay di na mapatahan ng ina ng bata

Sa loob ng bahay ay mabilis na ineempake ni mang Silvio ang kanilang damit ng kanyang apo samantalang ang dalaga na tinutukoy na manggagamot ay nakaupo lang sa sahig habang nakayakap sa kanyang mga tuhod

"sinabi ko naman sayo Mizuri...di ka na dapat nanggagamot pa gamit iyang...iyang k-kapangyarihan mo"nagaalang sabi ng matanda habang patuloy parin sa pagiimpake ng mga damit

"p-pero lo naririnig niyo naman po siguro sila na nagmamakaawa para sa tulong ko"malungkot na sagot ng dalaga at tinignan siya ng kanyang lolo na may halong kalungkutan

"apo...makinig ka alam kong gusto mong maging nars pero hindi sa ganitong paraan...ang gusto ko makapagtapos ka ng pag-aaral"lumapit si mang Silvio sa kanyang apo at kalaunan ay niyakap ito

"p-pero lo*sniff*"napaluha ang dalaga dahil sa sinabi ng kanyang lolo

"shh walang pero-pero halika na umalis na tayo...tulungan mo akong magdala ng mga bagahe natin"tumungo nalang ang dilag at pinunasan ang kanyang luha at sinunod ang utos ng kanyang lolo

"lolo san po ba tayo pupunta?"tanong ng dalaga matapos makalabas sa likod ng bahay

"sa maynila apo..."sagot ng matanda habang sumisilip sa gilid upang tignan kung may makakakita ba sa dadaanan nila

"po?pero bakit?"nagaalalang sabi ng dilag sa kadahilanang ayaw niyang lumayo ng sobra hindi dahil sa ayaw niya pero dahil sa ngayon pa lang siya makakapunta dun

"makinig ka apo...kapag nalaman nilang gumagamit ka ng kapangyarihan ay iisipin nilang isa kang mangkukulam naiintindihan mo ba yun?"tumungo nalang ang dalaga at naglakad na sila palayo ng walang nakakaalam

Samantala patuloy parin sa pagkalampag ang mga tao sa pinto ni mang Silvio hanggang sa masira ito ng tuluyan

"Grr nasan na sila?"galit na sabi ng isang magsasaka habang palinga-linga sa paligid

"tinakasan yata tayo ah"sagot sakanya ng kapwa niya magsasaka

"AYUN SILA NAGLALAKAD PAPUNTANG BAYAN!"sigaw ng isang babae matapos tumingin sa likod ng bahay

"tara habulin natin...di pwedeng iwan nila tayo na may malulubhang karamdaman"at ganun na nga ang ginawa nila...nagumpisa na silang tumakbo at nagsisigaw na nagmamakaawa na narinig naman ng maglolo kaya naman nagumpisa narin silang tumakbo palayo at papunta sa gubat

"saglit lang mga kasama!hindi na natin sila pwedeng sundan sa gubat"sambit ng isang magsasaka sakanyang mga kasama

"pero bakit?paano ang anak ko?"malungkot na sabi ng isang ina habang karga ang sanggol ba patuloy parin sa pagiyak

"mapanganib sa gubat...nalimutan mo na bang maraming mababangis na hayop dun?"agad namang naalala ng mga tao ang nangyare sa isang bata na naligaw sa gubat at natagpuang patay at maraming sugat sa katawan na gawa mismo ng isang mabangis na hayop kaya naman wala na silang nagawa kundi ang tumungo sa bayan at magbakasakaling makalabas parin ng buhay ang maglolo

Sa loob ng gubat ay huminto na sa pagtakbo ang maglolo dahil alam nilang wala ng susunod sakanila

"lo ayos lang po ba kayo?"pagaala ng dalaga ng makitang nakahawak ang kanyang lolo sa dibdib nito

"oo...ayos lang...ako...apo"inalalayan nalang ng dilag ang matanda upang di ito mahirapan hanggang sa bumalik muli ang lakas nito ngunit lingid sa kaalaman ng dalawa ay may nakasunod sakanilang mga mababangis na lobo na halatang gustong mangain ng laman dahil sa sobrang gutom

"saglit lang apo"tumigil si Mang Silvio dahil sa narinig na mga kaluskos

"b-bakit po?may problema ba?"ngunit di na siya tinugon pa ng matanda hanggang sa biglang lumitaw sa harapan nila ang tatlong mababangis na lobo at si Mang Silvio naman at pumulot ng matigas na sanga ng puno

"dito ka lang sa tabi ko apo"tumungo nalang ang dilag kahit halata dito ang takot pero ng mapalingon siya ay meron ding mga lobo

"l-l-lolo mukang napapalibutan tayo"kumapit sa damit ng matanda ang dilag dahil sa takot na nararamdaman at dahil dun ay nagumpisa na silang sugurin ng mga lobo at si mang Silvio naman ay hinahampas lang sila hanggang sa kagatin ng isang lobo ang sanga at ito'y nabali...sa ngayon ay tatlo nalang muli ang mga lobo dahil sa ginawa ni mang Silvio ngunit umalulong ang mga ito at tila nagtatawag pa ng ibang kasama

sfx:AWOOOOOOO!

Nakarinig pa ng ibang kaluskos si mang Silvio at ganun rin si Mizuri pero sa ngayon ay pareho na silang walang laban kaya naman napapikit nalang ang dilag at niyakap na lamang siya ng matanda ng sila'y susugurin na

"gamitin mo ang kapangyarihang nakakandado sa isip mo....mizuri"sabi ng isang pamilar na boses

"tama ang tubig"idinilat ng dilag ang kanyang mga mata at nakakita siya ng ilang basa sa lupa

"WATER SPIKES!"pagkatapos niyang sabihin yun ay biglang lumabas ang ilang tubig sa lupa na parang mga spikes at tumusok sa mga lobo dahilan para mapatumba niya ito

"a-apo?anung nangyare?"sambit ni Mang Silvio ng idilat niya ang mga mata niya at nakitang nakahandusay ang mga umatakeng lobo sakanila

"tsaka ko na po ipapaliwanag...umalis na po tayo lo baka may dumating pang iba"at walang anu-ano ay umalis narin sila sa gubat...nakita nilang nagaantay ang mga gustong magpagamot sa dilag kaya naman tumungo sila sa ibang daan at doon ay dire-diretsong pumunta sa sakayan ng bus...nakakuha sila ng tiket papuntang maynila at saktong umalis narin ang mga kabaro nila dahil sa wala na mismong lumabas na manggagamot sa gubat...sumakay na sila sa bus at doon ay ipinaliwang ng dalaga ang nangyare at syempre ay di makapaniwala ang matanda dahil di niya akalaing kaya rin palang gamitin ng kanyang apo ang kapangyarihan niya sa pagtatanggol sa sarili

CHAPTER END
A/N:pasensya na po kyo kung hindi mahahaba ang pages ng story di ko kasi masabi kung ilang words na nailagay ko pakiunawa nalang xD pakicomment rin po ng feedbacks nyo salamat

ELEMENTSWhere stories live. Discover now