Extra Chapter:Ang Pageensayo(Mga hindi nailathala)

1.2K 28 1
                                    

Unang pagkikita nang magkaibigang sila Sky at Aaron kela Mizuri at Rockie....

"Anong klaseng pageensayo  po ba ang dapat naming gawin?"tanong ni Sky kay Mang Merkuryo

"Magumpisa kayo sa basic hand to hand combat sa kung ano ang alam niyo tapos tsaka niyo na samahan nang inyong mag kapangyarihan maliwanag ba?"tumungo naman silang lahat bilang pagsang-ayon kay Mang Merkuryo

"Okay mauna na kayo Sky at Rockie..."sambit ni Mang Merkuryo nang makapwesto na sila Sky at Rockie sa magkabilang side at naghanda para sa pakikipaglaban sa isa't-isa matapos nun ay humudyat na si Mang Merkuryo at naunang sumugod si Sky,ginamit ni Sky ang kanyang Arnis sa pagatake kay Rockie ngunit sinangga lang ito nang braso ni Rockie

"mukang sanay ka na yata na masaktan"nakangising sambit ni Sky habang dinidiinan niya pa lalo ang kanyang Arnis sa braso ni Rockie

"heh ako pa matagal na akong nageensayo dito eh"nakangisi ring sambit ni Rockie at sinipa si Sky na agad naman nitong nailagan matapos nun ay sunod-sunod na ang pagatake at pagilag nang dalawa sa isa't-isa hanggang sa sila'y mapagod

"okay hanggang diyan na lang muna magpahinga muna kayo sunod naman ay kayo Aaron at Mizuri...ang gagawin niyo ay subukan niyong atakihin ang mga  robot dummies gamit ang inyong kapangyarihan"nagtaka sila Aaron at Mizuri at nagkatinginan

"hah?kala ko ba hand to hand combat?"sambit ni Aaron kay Mang Merkuryo

"oo pero sa tingin ko ay mas maganda na gamitin niyo kapangyarihan niyo sa pangmalayuan isa pa ahm may isa rito na ayaw masaktan si Mizuri"malumanay na sambit ni Mang Merkuryo at napalunok nang laway dahil sa kanyang likuran ay naglalabas nang nakakatakot na aura si Mang Silvio

"fine hindi ko akalaing may pagkaduwag karin pala tanda"dismayadong sambit ni  Aaron at naghanda na sila ni Mizuri sa pagatake

"SHOWER SPRAY!"sambit ni Mizuri at animo'y nagpaulan nang mga bala na gawa sa tubig at isa-isang tinamaan ang mga paparating na robot dummies at nasira agad

"magiwang ka naman nang kalaban Mizuri"kunot noong sambit ni Aaron

"hehe pasensya na nadala lang ako"masayang sambit naman ni Mizuri

"tch...OBJECT CLASH!"sambit ni Aaron matapos lumabas ang sumunod na batch ng mga robot dummies at agad nagsalpukan ang mga ito sa isa't isa

"ang galing niyong dalawa lalo kana apo ko hahaha"masayang sambit ni Mang Silvio habang hinahampas ang likuran ni Mang Merkuryo

"Magpahinga muna kayo nang mga isang oras at gagawin niyo naman Sky at Rockie na gamitin mga kapangyarihan niyo"nagsitunguan ang dalawang binata sa sinabi ni Mang Merkuryo matapos nun ay iniwanan muna sila nang dalawang matanda para makapagpahinga,sakanilang pagpapahinga ay naisipan narin nilang magpakilanlan sa isa't isa
"Ako nga pala si Sky Dorotan at hangin ang aking elemento"sambi ni Sky
"kinagagalak kitang makilala Sky,ako naman si Rockie Reath at alam niyo naman siguro na lupa ang elemento ko diba?"nagtanguan sila sa sinabi ni Rockie
"Ako naman pala magandang binibini ay si Aaron Lumen libre ka ba ngayong araw?"sambit ni Aaron matapos hawakan ang kamay ni Mizuri
"hehehe hindi ko alam ang ibig mong sabihin sa libre pero kinagagalak ko rin kayong makilala ako naman si Mizuri Nula at ang elemento ko ay tubig na nakita niyo na kanina"nakangiting sambit ni Mizuri pagkatapos nun ay hinila ni Sky si Aaron palayo kay Mizuri
"basta talaga magaganda ay sinusugod mo haay matanong ko lang napaginipan niyo rin ba ang tungkol sa prinsesa ng kalikasan?"seryosong sambit ni Sky

ELEMENTSМесто, где живут истории. Откройте их для себя