Ang mga nakaraan...

3K 73 2
                                    

Mizuri Nula 15years old...masayahing dalaga si Mizuri sapagkat nandiyan parati ang kanyang mga magulang na palagi niyang kasama kapag uuwi siya galing sa eskwela...

"oh anak mabuti naman at nandito kana,nandito pala si lolo Silvio mo"masayang bati ng ina ni Mizuri sabay mano nito at ganun din sa tatay niya at kay lolo

"mano po lo"-mizuri

"kaawaan ka ng diyos"-mang Silvio

"sige po tay,nay magbibihis na po ako"sinuklian na lamang ng ngiti at tungo si Mizuri ng kanyang mga magulang at ganun din ang kanyang lolo matapos makaalis ay naging malungkot ang muka ni Mang Silvio ng humarap sa mga magulang ni Mizuri

"hindi niyo parin ba nasasabi sa apo ko na may malala kayong mga sakit?"nagyakapan ang magulang ni Mizuri at umiling na may halong ngiti...ngiting napakalungkot

"ayaw po naming malungkot siya at tumigil sa pag-aaral gustong gusto niya pa naman maging nars"nakangiting sambit ng Ama ni Mizuri

"Aalis po kami sa susunod na araw...kung sakaling hindi na kami makabalik ay palabasin niyo nalang po na naaksidente kami"naikuyom naman ni Mang Silvio ang kanyang kamao at naningkit na nakatingin sa Ina ni Mizuri na nagsabi ng plano nilang mag-asawa

"iiwan niyo nalang si Mizuri ng ganun-ganon nalang?"yumuko ang mga ulo ng magulang ni Mizuri at kasabay nun ay mga luhang kumawala sa kanilang mga mata

"pasensya na po tay pero hanggat maari ay gusto naming makalayo sa anak namin para kung sakaling humantong na kami sa takda naming oras ay sigurado na kaming alam ni Mizuri na patay na kami"malungkot na sabi ng Ama kay Mang Silvio

"sige...naiintindihan ko,ako ng bahala sakanya"ngumiti ng mapakla ang mag-asawa at ganon din ang matanda matapos ay tumingin sa labas na ngayon ay umuulan

Kinagabihan ay masayang kumain ang pamilya at wala namang ideya si Mizuri sa mangyayari sa mga magulang niya...matapos kumain ay natulog na sila at mahimbing ang tulog nila lalo na si Mizuri

"Mizuri Nula"mahinang sabi ng babae sa panaginip ng dalaga

"Sino ka?paano mo ako kilala?anung kailangan mo sakin?"tanung ni Mizuri sa kawalan

"ako ang prinsesa ng kalikasan at kelangan ko ng tulong mo...kelangan mong hanapin ang ibang mga elemento at labanan ang masasama"at ipinakita ng prinsesa ang kanyang nakaraan pati narin ang hinaharap at naalimpungatan naman si Mizuri ng makarinig ng malakas na pagkulog at kidlat sa labas

"haaah...panaginip lang pala pero kung totoo yun ay paano ko makokontrol ang tubig?"sambit ni Mizuri sa sarili pagkatapos ay bumangon na agad dahil umaga na pala...dumating ang araw at umalis na nga ang mga magulang ni Mizuri at ang tanging paalam lang ng mga ito ay bibili sila ng regalo para sa nalalapit nitong kaarawan...kakauwi lang ni Mizuri ng mabalitaan niya sa kanyang lolo na di pa uuwi ang kanyang mga magulang ng mabalitaan ang matinding pagbaha sa daan kung saan tumungo ang mga magulang ni Mizuri ay nagalala ito kaya naman tumungo dun ang lolo niya pero bumalik ito dala ang masamang balita kaya naman walang nagawa si Mizuri kundi ang umiyak ng umiyak kasabay nun ang paglakas ng ulan at ang lolo niya naman ay nakaramdam ng kakaiba ng mapansin ito kaya naman pinatahan niya ito

"tahan na apo,di ba gusto mong maging nars?kaya dapat ay di ka malungkot kasi ayaw din ng mga magulang mo na malungkot ka"tumahan naman si Mizuri at niyakap ang kanyang lolo...ilang araw ang nakalipas at nakamoveon na si Mizuri ngunit sa hindi inaasahan ay nagkaroon ng malubhang sakit si Mang Silvio kaya naman nataranta ang dalaga at hindi alam ang gagawin

ELEMENTSWhere stories live. Discover now