Ang Ikaapat na Elemento

2K 72 1
                                    

Kasalukuyan paring nakikipaglaban sila Sky at Rockie sa mga takas na kriminal habang si Mizuri naman ay ginagamot ang mga sugatang pulis,sobrang pagkamangha at pagkagulat naman ang ekspresyon ng mga pulis na rumesponde sa ipinamalas na pakikipaglaban ng Elemental warriors

"*gulp*ang galing nila makipaglaban wala akong masabi"sabi ng hepe matapos lunukin ang kanyang laway

"oo nga po sir teka di po ba natin sila tutulungan man lang?"sambit ng isang pulis sa hepe at natauhan naman ang hepe upang makapagisip

"siguro kelangan niyo nalang tulungan ang babaeng yun para magamot lahat ng mga sugatan nating kasama"turo ng hepe kay Mizuri na kasalukuyang nanggagamot ng isang pulis na may tama sa balikat

"masusunod po...kayong lahat buhatin niyo ang mga kasamahaan nating sugatan at lapatan ng pangunang lunas pagkatapos ay ilapit niyo dun sa babaeng yun"matapos ding ituro ng pulis si Mizuri ay sumaludo ang mga ito at ginawa ang ipinaguutos

Samantala kasalukuyang pinapanuod ng di pa kilalang lalaki ang live video ng sagupaang nagaganap sa pagitan ng grupo nila Sky at ng mga takas na kriminal

"grr sino ba itong mga ito?kasama ba sila sa mga imagine police?!"nanggigil na sabi ng lalaki

"imposible po iyon sir,lahat po sila ay pinaalis natin ng bansa maliban sa mga nagpatakas sa mga kriminal

"hmmm kung sino man sila ay sagabal sila sa plano kaya tawagan mo ang unit mo Milcer na nakadestino sa lugar kung saan nagaganap ang sagupaan"tinawagan agad ni Milcer ang kanyang unit habang bumibyahe ang bladeless helicopter na sinakyan nila

Dumako naman tayo sa isang dorm sa Philippine Military Academy kung saan ay nagaayos ng sarili si Flaire ng pumasok ang kanyang roommate na si Elle

"nandito ka lang pala Flaire kanina pa kita hinahanap eh"tinignan naman ni Flaire si Elle ng may halong pagtataka

"bakit mo naman ako hinahanap may nangyari ba?may nanggugulo naman ba sa labas"umiling lang si Elle at lumapit sa kaibigan upang hilahin ito palabas

"ibang kaguluhan Flaire kaya halika sumama ka sakin sa labas para malaman mo ang balita"hindi na nagsalita pa si Flaire at nagpaubaya nalang hanggang sa makarating sa canteen kung saan maraming istudyante ang nakikiusyoso

"excuse me!paraan!tao po mamasko po!"sambit ni Elle habang sumisingit sa unahan kasama si Flaire na halos naguumpisa nang magalit dahil sa sikip ng lugar

"haay sa wakas oh yan panuorin mo ang balita"sabi ni Elle kay Flaire ng makalabas sa kumpulan ng mga istudyante,tumingala naman si Flaire at kunot noong tumingin sa t.v

"Ito po ang live na kuha mula sa ating cameradrone kung saan makikitang unti-unting nababawasan ang mga takas na kriminal ng mga di pa kilalang imagine police di pa tukoy kung nasaan ang mga nagpalayang mga nakamaskarang bandido kaya naman alerto ngayon ang ilang pulis sa paligid sa biglaang pagatake...isang kakapasok lang na balita isa sa mga imagine police ang kasalukuyang hostage ng kanina pang hinahanap na mga bandido..."agad ng umalis si Flaire matapos makita ang simbolo ng tubig na nasa likod ng kamay ni Mizuri at tumungo sakanilang dormitoryo nila Elle samantalang palinga linga naman si Elle sa paligid ng mapansing nawala agad si Flaire

"kala kong magmadali pero paano ko gagawin yun kung wala akong mahanap na costume dito para di ako makilala"habang naghahanap ng maisusuot ay bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang roommate na si Elle

ELEMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon