Kabanata 16

13 0 0
                                    




Your little flower





It has been almost two weeks since Kat fell into coma because of that shoot out in Surigao. Halos di niya matignan ang babaeng mahal habang nakikipaglaban ito sa buhay niya. He couldn't sleep well, he couldn't even eat. Fucking hell.



Hindi siya halos umaalis sa tabi ni Katarina. He knew how everyone's worried about him and what he has been doing with himself. I honestly dont want them to worry but what can he do? He can't move around thinking he might lose his love if he even blink.




Nakakatakot maging ang pagtulog dahil baka biglang bumitaw si Kat habang tulog siya. Hindi niya kakayanin.


"Kat, di ka pa ba pagod matulog? Come on, love. Wake up." Naluluha niyang sabi. Ewan, sabi niya takot na siyang maiwan. Siguro ganito rin yung nararamdaman niya kaya ayaw niya akong mahalin. This kind of fear is the kind that makes you want to block everything just to avoid the pain. "Walang iwanan di ba? Katarina.. Please." Bulong niya sa palad nito.




"Hey." Hindi niya nilingon ang dumating. He couldn't even recognize the voice of the person because of restlessness. "Man, you haven't eaten at all since last night. Baka ikaw naman ang ma-coma niyan sa ginagawa mo." Matt pulled a chair beside him and watched over Kat and I.




"Alam mo, that's exactly how I felt seeing my mom in this state years ago. The fear and agony? I feel you bro. Pero kailangan mong alagaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas para paggising niya maaalagaan mo pa siya. Nung magising si Mommy nun nabatukan pa ako kasi mukha daw akong tsonggo. Sige ka, baka mafall out of love si Kat kapag nakitang pangit ka na." Tinignan ko siya ng masama na nagpangiwi sa kanya. "Joke lang pare."




"Pero seryoso tayo bro. Come on, move. Baka isipin ni Kat na wala na siyang babalikan dahil nagpapakamatay ka na rin naman." Dagdag niya.



"He's right. Unconscious patients has heightened senses. Kaya nga sinasabi na naririnig nila tayo. Kat can feel how you're losing hope for her every day that's passing by. You have to be strong for her Martinez. Look after yourself for her." Umupo si Mint sa upuan sa kabilang side ni Kat. Sa likod niya ay si Claude. Dumating rin sina Aldeguer at Dra. Mela, they stood at the end of Kat's bed. "Do you want to hear news about how safe this place is going to be for Kat once she wakes up?" She smiled.




Marahan akong tumango at tinanguan niya si Aldeguer.



"Nahuli na ang mga malalaking tao sa likod ng mag-amang Forbe pagkatapos ikanta ni Greyson Forbe ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa organisasyong kinabibilangan nila. Ace is scheduled for his execution as requested by his father. Mr. Forbe will face trial two weeks from now. Humiling siya ng kahit isang pagkakataon na makita si Katarina bago siya idetain." Paliwanag ni Aldeguer.




"I agreed for him to visit Kat as long as you and I are here. Not even our parents. Medyo natatakot ako sa lambot nila towards Spade. So mas mabuti nang tayo ang naririto para kay Kat." Malungkot na bumuntong hininga si Mint. "He doesn't know yet that Kat is not his. I kind of wanted to inflict psychological torture and emotional pain to that old man for everything they did to Kat. And also to protect her real dad. Tyron is still outside looking after the both of you. Let's eat first and give Tyron some time with his daughter, please? Mamayang gabi kasi ay darating na sina Tita Dahlia with Klaine and Kurt. Baka hindi siya makapagbantay kay Kat kaya hayaan muna natin." Tinapik ni Matt ang balikat ko.



Binuksan ni Aldeguer ang pinto at pinapasok si Tyron. Huminga ako ng malalim. Hindi ko naman siya pinipigilang magbantay kay Kat. Ayoko lang din umalis.



Wala na akong nagawa kaya tumayo na rin ako nang makapasok si Tyron. Hapo ang mukha nito at tila hindi rin matahimik ang kalooban. He looked at Katarina with pain in his eyes. Lalagpasan niya sana ito nang pigilan siya nito sa balikat.




"Kinatatakutan ko ang lahat ng bagay na nakakasakit sa kanya. Naaalala ko pa nung bata siya at nagsusumbong kapag nasasaktan siya dahil nadapa o may nakain na hindi nakasundo ng sikmura niya, iiyak siya pero magtatapang tapangan sa harap ko. She will hug me then, na parang ayos na siya basta nandoon ako. I have always wanted to tell her I am her father. I want to be able to hug her and tell her that she will always be my princess, my little flower. Pero natatakot akong lalo siyang masaktan dahil sa mga kasinungalingang nakapaligid sa kanya. Maaari.." Tears filled the corner of his eyes as he looked at Katarina.




"Maaari mo bang ipangakong hinding hindi mo siya sasaktan? Dahil alam kong sa oras na malaman niyang ako ang tunay niyang ama ay di na niya nanaisin pang makita ako. Natatakot akong hindi ko na makita ang anak ko pero kung aayawan na niya akong makita ay susubukan ko na lamang makuntento na makita siya mula sa malayo." Kumuyom ang kamao ko.




"Alam mong hindi ganyan si Katarina, T-Tatay Tyron. Mahal ka niya. Alam ko iyon." Hinawakan ko ang balikat niya habang diretso ang tingin niya sa akin. "Tingin ko ay matutuwa siyang malaman na ikaw ang tatay niya talaga. She treasures you too."




"Pero isa lang akong body guard. Ikakahiya-"




"S-Stupid." May bumulong kaya napatingin kami pare-parehas kay Kat. Her eyes were slightly open and her voice cracked. Tumakbo kaming lahat palapit sa kanya.




"Move." Hinawi kami ni Dra. Mela. "Dun kayo muna. I will check the patient first. Hindi siya makakahinga ng maayos kung kukulubin ninyo siya." Inayos ni Mela ang unan niya at nilabas ang isang maliit na flashlight. Itinutok niya iyon sa mata ni Kat at pinasundan ang ilaw. She checked her vitals and smiled afterwards.



"How are you Katarina?" She smiled.

"O-Ok-ay. B-ut I.. Thirs-ty." Mabilis akong kumilos at inabot ang isang baso ng tubig. Halos matapon ko pa iyon sa sobrang panginginig ng mga kamay niya. Kumuha ng bulak si Mela at nilagyan iyon ng tubig bago idinampi sa labi ni Kat. She gulped the water like her life depended on it. Natawa si Dra.



"Chill lang Kat. I think you can sip water na. Here." Mahinhin niyang nilapit ang baso sa labi ni Kat. Her eyes were on me as she gulped. Nanginginig sa takot ang buong katawan ko. What if she says she can't remember me? What if she says she doesn't want to see me? Shit. Kung ano anong pumapasok sa isipan ko nang maramdaman ko ang pagtapik ni Dra. Mela sa kamay ko.




"W-What?" Natawa sila. Kat has this smile on her lips that makes me melt. Nalusaw lahat ng takot, lahat ng kaba ko sa ngiting iyon.




"I s-said you and Tatay are both st-upid. I love the both of yo-u." Napapikit ako sa pagragasa ng emosyon sa akin nang marinig ko iyon. Dahan dahan kong niyakap si Katarina. Buong ingat iyon dahil natatakot akong masaktan ko siya. I sobbed as I buried my face at the nook of her neck.




"Love, I was so scared. I was so terrified that you'll leave me. I am still scared. Kat. Please dont leave me. Dont scare me like that again." Humikbi ako lalo nang hinaplos niya ang buhok ko. "I love you Katarina. I love you so much. Don't leave me again like that please. "




"I-I'm sorr-y that I made y-you worry like that. Shh.. I am here now. A-And you Tatay. Tss. W-Why did you even think that I will want you to leave me? You a-are the close-st thing to.." She cleared her throat. Bahagya akong lumayo sa kanya. "T-To a father that I k-knew. I am m-more than ha-ppy to know that you are m-my father. Pa-hug nga ako Tatay!" Bumitaw ako nang tuluyan at hinintay si Tatay Tyron na dahan dahang lumapit kay Kat.



She hugged him around his neck. I saw Mela and Mint get teary eyed as they watched Katarina hugged Tatay Tyron like a little kid.




"I will always be your little flower Tatay. I will always be." I saw Katarina's tears as she hugged him tighter. "T-Thank you for l-looking after me since day 1. Thank you Tatay."




Tatay Tyron sobbed too as he hugged his daughter tightly.

Loved (Fin)Where stories live. Discover now